Pumunta sa nilalaman

Romy Brion

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Romy Brion ay isang artistang Pilipino na kilala rin siya bilang si Romy na isang komedyante.

Isinilang noong 1914 at unang tahanan ay ang Sampaguita Pictures kung saan siya nakagawa ng dalawang pelikula ang Estrellita at Pagsuyo na parehong musikal. 1946 noon ng siya ay lumipat sa Palaris Pictures ni Fernando Poe at gawin ang pelikulang Hanggang Pier

Taong 1947 ng lumipat na naman siya ng kompanya ang Premiere Productions kung saan ginawa niya ang Ngayon at Kailanman ni Ester Buenaobra at ang tatlong Musikal ng Premiere na Bagong Sinderella at Caprichosa na pawang pelikula ni Rosa del Rosario at ang Pangarap Ko'y Ikaw Rin ni Lilia Dizon.

Tatlong pelikula ang ginawa niya sa LGS Pictures iyon ay ang mga Highway 54 ni Paraluman, Tampalasan at Mr Dupong na ginampanan ni Leopoldo Salcedo.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.