Rosa Sevilla de Alvero
Rosa Sevilla Alvero | |
---|---|
Kapanganakan | Marso 4, 1879 |
Kamatayan | Mayo 11, 1954 Lungsod Quezon, Pilipinas |
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | manunulat, guro |
Si Rosa Sevilla de Alvero ay ipinanganak sa Daang Rajah Matanda sa Tondo, Maynila noong 4 Marso 1879. Ang buo niyang pangalan ayon sa kanyang partida bautismo ay Rosa Lucia Sevilla. Ang kanyang mga magulang ay sina Ambrosio Sevilla, isang sarhento ng hukbong Kastila at si Silvina Tolentino y Rafael na kamag-anak ng mandudulang si Aurelio Tolentino. Siya ay nagtapos ng kursong Maestra Superior sa Kolehiyo ng Assumption. Nakilalang manunulat at mambibigkas sa wikang Kastila at Tagalog. Naging patnugot siya ng Vida Filipino, Buhay Pilipino at Pajima de la Mujer ng La Vanguardia. Naging manunulat din siya ng Taliba, El Debate at La Opinion.
Sa kabuuan, siya ay isang guro, manggagawang panlipunan na naging aktibo sa mga kilusang pambabae. Siya ay nagtaguyod ng pagboto ng mga kababaihan. Sa larangan ng panitikan siya ay makata, mandudula, at mambibigkas. Ang ilan sa kanyang mga akda ay La Mejor , El Sueno del Poeta, Prisonera de Amor, La Loca de Hinulugang Taktak at marami pang iba.
Siya ay pumanaw noong 11 Mayo 1954 sa Maynila sa edad na 75. Noong 4 Marso 2021, ipinagdiwang ng Google ang kanyang ika-142 kaarawan sa pamamagitan ng Google Doodle.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Google Doodle ipinagdiwang si Rosa Sevilla de Alvero, isa sa mga kababaihan na lumaban para sa karapatan ng mga Pilipina na bumoto". Manila Bulletin. Nakuha noong Marso 4, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.