Rudolph the Red-Nosed Reindeer (awit)
Ang "Rudolph the Red-Nosed Reindeer" ("Si Rudolph, ang Usang Reno na may Mapulang Ilong") ay isang awitin na isinulat ni Johnny Marks na ibinatay sa isang kuwento noong 1939 na pinamagatang Rudolph the Red-Nosed Reindeer na nilathala ng Montgomery Ward Company.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1939, nilikha ng kapatid sa kasal ni Mark na si Robert L. May si Rudolph bilang isang takdang gawain para kay Montgomery Ward, at ipinasya ni Mark na iangkop ang kuwento ni Rudolph upang maging isang kanta. Si Marks (1909–1985) ay isang produser sa radyo na nagsulat din ng ilang iba pang bantog na mga awiting Pamasko.
Sa larangan ng pangangalakal, ang awitin ay inawit ng manghihimig na si Harry Brannon sa radyo sa Lungsod ng New York noong kaagahan ng Nobyembre 1949,[kailangan ng sanggunian] bago pa man ang patok na rekord ni Gene Autry sa talahanayan na pangmusika noong linggo ng Pasko ng 1949. Ang bersiyon ni Autry ng kanta ay humahawak din pagiging bukod tangi na nag-iisang patok na tugtugin na bumagsak nang todo mula sa talahanayan pagkalipas na umabot sa pagiging nangunguna. Ang opisyal na petsa ng katayuan nito bilang #1 ay para sa linggo na nagtapos noong Enero 7, 1950, na nakagawa rito upang maging pinaka unang #1 awitin ng dekada ng 1950.[1] Ang rekord ni Autry ay nakapagbenta ng 2.5 milyong mga kopya sa unang taon, na sa pagdaka ay naibenta na may kabuoang 25 milyon, at nananatili ito bilang pangalawang pinakamabentang rekord sa lahat ng panahon hanggang sa pagsapit ng dekada ng 1980.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Casey Kasem American Top 40 8/4/1979
- ↑ Kenneth T. Jackson, Karen Markoe, Arnie Markoe, The Scribner Encyclopedia of American Lives. Simon and Schuster, 1998, p. 28