Rudolph the Red-Nosed Reindeer
Ang Rudolph the Red-Nosed Reindeer ("Si Rudolph, ang Usang Reno na may Mapulang Ilong") ay isang kathang-isip na usang reno o reindeer na mayroong kumikinang na pulang ilong. Mas nakikilala siya bilang ika-9 na usang reno ni Santa Claus at, kapag inilalarawan, ay ang pangunahing usang reno na humihila sa paragos ni Santa Claus tuwing Bisperas ng Pasko. Ang kakinangan ng kaniyang ilong ay napakalakas kung kaya't naiilawan nito ang landas ng pangkat habang mayroong masungit na panahong pangtagniyebe.
Unang lumitaw si Rudolph noong 1939 sa isang libreto na isinulat ni Robert L. May at inilathala ni Montgomery Ward.[1][2]
Ang kuwento ay pag-aari ng The Rudolph Company, L.P. at naiakma sa maraming mga uri na kinabibilangan ng isang sikat na awitin, isang natatanging palabas sa telebisyon at mga karugtong, at isang tampok na pelikula. Pinamamahalaan ng Character Arts, LLC ang paglilisensiya para sa Rudolph Company, L.P. Sa maraming mga bansa, si Rudolph ay naging isang pigura ng kuwentong bayang Pamasko.
Kasaysayan ng paglalathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilikha ni Robert L. May si Rudolph noong 1939 bilang isang takdang gawain para kay Montgomery Ward. Ang magtitingi ay nakapagbibili at nagbibigay ng mga aklat na nakukulayan tuwing Pasko taun-taon at napagpasyahan na ang paglikha ng sarili nilang aklat ay makatitipid sila sa gugulin. Isinaalang-alang ni May na pangalanan ang usang reno bilang "Rollo" at "Reginald" bago mapagpasyahan na gamitin ang pangalang "Rudolph".[3] Sa unang taon ng paglalathala nito, 2.5 milyong mga kopya ng kuwento ni Rudolph ang naipamahagi ni Montgomery Ward.[kailangan ng sanggunian] Ang kuwento ay isinulat bilang isang tula na nasa metro ng "'Twas the Night Before Christmas".[kailangan ng sanggunian] Ang mga karapatan sa paglalathala at muling paglilimbag para sa aklat na Rudolph the Red-Nosed Reindeer ay kinukontrol ng Pearson Plc.
Ang Maxton Books ang naglathala ng unang edisyon na pangpamilihang pangmasa ng Rudolph at naglathala rin ng isang karugtong na kuwento, ang Rudolph the Red-Nosed Reindeer Shines Again noong 1954. Noong 1991, inilathala ng Applewood Books ang Rudolph's Second Christmas, isang hindi pa dati nalalathalang karugtong na kuwento na isinulat ni Robert May noong 1947. Noong 2003, naglabas ng Penguin Books ng isang muling inilimbag na bersiyon ng orihinal na Rudolph the Red-Nosed Reindeer na mayroong bagong akdang-sining na ginawa ni Lisa Papp. Muli ring inilimbag ng Penguin Books ang mga karugtong na kuwentong isinulat ni May na Rudolph Shines Again at Rudolph's Second Christmas (na pinalitan ng pamagat upang maging Rudolph to the Rescue).[kailangan ng sanggunian]
Ang kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinasalaysay ng kuwento ang mga karapatan ni Rudolph, isang lalaking usang reno na mayroong hindi pangkaraniwang makislap at nagliliwanag na pulang ilong. Sa kabila ng panliligalig o pangyayamot at hindi pagsali sa kaniya ng kaniyang mga kasinggulang na mga renong usa dahil sa katangiang ito, nagawang patunayan ni Rudolph isang Bisperas ng Pasko makaraang napuna ni Santa Claus ang kaniyang ilong at inanyayahan siyang pamunuan ang paragos ni Santa Claus para sa gabing iyon. Pumayag si Rudolph, at nagantimpalaan ng katangi-tanging pagkilala at pagtanggap na panlipunan sa piling kaniyang mga kasamahang usang reno dahil sa kaniyang kabayanihan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mikkelson, Barbara; Mikkelson, David P. (19 Disyembre 2010). "Rudolph the Red-Nosed Reindeer". Urban Legends Reference Pages. Snopes.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-12-03. Nakuha noong 2 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ramer, Holly; Talbot, Toby (Photo) (23 Disyembre 2011). "Scrapbook tells how Rudolph went down in history". Hanover, N.H.: Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Agosto 2019. Nakuha noong 23 Disyembre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Old Fashioned Christmas". University Place/Wisconsin Historical Society. 12 Disyembre 2010. 0:28 minuto sa. Wisconsin Public Broadcasting Station. Wisconsin Channel.
{{cite episode}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)