Pumunta sa nilalaman

BB Gandanghari

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rustom Padilla)
BB Gandanghari
Kapanganakan
Rustom Cariño Padilla

(1967-09-04) 4 Setyembre 1967 (edad 57)
TrabahoAktor/Aktres/Modelo

Si BB (Binibini) Gandanghari (minsa'y Bebe Gandanghari / Bb. Gandanghari, Gandanghari na pinagdikit na gandang hari (beautiful king)) (ipinanganak na Rustom Cariño-Padilla noong 4 Setyembre 1967) ay isang transekswal na Pilipinang aktres, modelo at nakatatandang kapatid nina Rommel at Robin Padilla at nakababatang kapatid ni Royette Padilla. Si Gandanghari, bilang Padilla, ay mas matatandaan bilang dating aktor ng mga maaksiyong pelikula at isang matinee idol. Di nagtagal matapos niyang ibunyag na siya ay isang transekswal (lalaki->babae)[1] at matapos bumalik mula sa Estados Unidos, pinalitan ni Padilla ang kanyang pangalan ng BeBe/Bb. Gandanghari[2], na pinaikling "Binibining Gandanghari" (lit. Miss Beautifulking), gayundin ang kanyang pisikal na kaanyuan at lahat nang magpapaalala kay Rustom Padilla, alinsunod na rin sa kanyang bagong pagkakakilanlan. Ang pangalang BeBe ay nagmula sa kanyang kasabihang, "Be all that you can be".

Nagsimula si BB Gandanghari, sa showbis bilang isang matinee idol at di naglao'y bilang isang action star katulad ng kanyang mga kapatid. Dati siyang nakasal sa aktres na si Carmina Villaroel at nanguna sa palabas na may prangkisa na Wheel of Fortune sa ABC 5. Matapos ang kanyang pagiging punong-abala, umalis si Rustom ng Pilipinas at nag-aral ng paggawa ng pelikula sa US.

Isa siya sa labing-apat na mga kasambahay sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition. Noong 2 Marso 2006 nagladlad siya sa palabas sa pag-amin sa kasambahay na si Keanna Reeves na siya ay isang bakla[3] Sa ika-45 na araw ng kompetisyon, nagpasya si Rustom na boluntaryong lumabas ng bahay. Enero 2009, ibinunyag ni Padilla na siya ay isang transsekswal at kasalukuyang sumasailalim sa pagiging babae.[4]

Matapos lumabas na bakla, lumabas si Padilla sa pelikula na bersiyon ng komiks na Zsazsa Zaturnnah bilang isang bading na may-ari ng isang sa salon na si Ada (Adrian), ang alter eho ni Zsazsa Zaturnnah, sa serye sa TV na La Vendetta ng GMA 7 at pelikulang Happy Hearts bilang bading na ama ni Rayver Cruz. Kasama rin siya sa mga nagsiganap sa Eva Fonda ng ABS-CBN.

Taong 2009, pinagunahan ni Gandanghari ang National Kidlat Awards sa Boracay, Pilipinas. Lumabas ulit siya sa SRO Cinema Serye: Rowena Joy na sumasahimpapawid sa GMA Network.

  • Happy Hearts (2007)
  • Zsa Zsa Zaturnnah, ze Moveeh (2006)
  • Yamashita, the Tiger's Treasure (2001)
  • Bilib Ako Sa'yo (1999)
  • Ganito na akong Magmahal (1998)
  • Bilang Na Ang Araw Mo (1996)
  • Maruja (1996)
  • The Jessica Alfaro Story (1995)
  • Sana Dalawa ang Puso ko (1995)
  • Col. Billy Bibit RAM (1994)
  • Mistah (1994)
  • Brat Pack (1994)
  • Ikaw (1993)
  • Gagay, Ang Prinsesa Ng Brownout (1993)
  • Kapag Iginuhit ang Hatol ng Puso (1993)
  • Hanggang Saan Hanggang Kailan (1993)
  • Ngayon at Kailanman (1992)
  • Narito ang Puso Ko (1992)
  • Magnong Rehas (1992)
  • Hindi Magbabago (1990)

Mga karangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 1992 PMPC Star Awards for Television - Best New Male TV Personality
  • 2007 Gawad Urian Best Actor award
  • 2009 National Kidlat Awards Foundation, Host

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Rustom Padilla is now Bebe Gandanghari PEP.Ph
  2. "Good-bye Rustom Padilla, Hello Bebe Gandanghari". ABS-CBN.com. 19 Enero 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-23. Nakuha noong 2010-06-26. {{cite news}}: |first= missing |last= (tulong); Missing pipe in: |first= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link){{subst:Language icon|tl|Tagalog}}
  3. "Rustom finds his way home". Asian Journal Online. 11 Oktubre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-02. Nakuha noong 2007-11-09.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Group backs Bebe Gandanghari’s reported sex change plan