Pumunta sa nilalaman

Sappho

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Safo ng Lesbos)
Sappho
Kapanganakan7th dantaon BCE (Huliyano)
  • (Dagat Egeo, Turkiya)
Kamatayan570 BCE (Huliyano)
  • (Dagat Jonico)
Trabahomakatà,[1] kompositor,[2] may-akda, manunulat
Asawaunknown

Si Sappho (Sinaunang Griyego: Σαπφώ, romanisado: Sapphō) o Safo ng Lesbos (610 BK - 580 BK) ay isang babaeng manunula mula sa pulo ng Lesbos na nasa Dagat Egeo ng Sinaunang Gresya. Tanging si Sappho lamang ang nag-iisang babaeng manunula mula sa kanyang kapanahunan na naaalala sa ngayon.[3]

Bahagya lamang ang nalalaman hinggil kay Sappho, subalit nalalamang nagmula siya sa isang marangal na mag-anak at tumanggap ng edukasyon. Nagkaroon siya ng isang anak na babaeng pinangalanang Cleis. Halos nakalimutan na siya sa loob ng ilang mga daantaon, ngunit naging tanyag siya noong kanyang sariling panahon kaya't inilagay ang kanyang wangis sa mga baryang pera at mga plorera. Ginaya ng maraming iba pang mga makata ang kanyang estilo sa pagtula.[3]

Karamihan sa mga gawa ni Sappho na mga sulat ang may kaugnayan sa mga tula ng pag-ibig na nakatuon sa iba pang mga kababaihan. Tinipon ang mga ito mula mga 300 BK magpahanggang 200 BK. Ngunit iilang mga piraso na lamang ang natira pagsapit ng ika-8 at ika-9 na mga daantaon.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://cs.isabart.org/person/108737; hinango: 1 Abril 2021.
  2. https://www.newyorker.com/books/page-turner/hearing-sappho; hinango: 17 Enero 2023.
  3. 3.0 3.1 3.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Sappho?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 72.

Gresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.