Sakit na Chagas
Sakit na Chagas | |
---|---|
Photomicrograph of Giemsa-stained Trypanosoma cruzi | |
Espesyalidad | Infectious diseases, parasitolohiya |
Ang Sakit na Chagas /ˈtʃɑːɡəs/, o American trypanosomiasis, ay isang tropikal na sakit na dulot ng parasite o parasito na dulot ng protozoan Trypanosoma cruzi.[1] Ito ay kadalasang ihinahawa ng mga insektong kilala bilang kissing bugs.[1] Ang mga sintomas ay nagbabago sa paglala ng impeksiyon. Sa maagang bahagi ng sakit, ang mga sintomas ay karaniwang maaaring wala o mayroon o banayad at maaaring kasama ang: lagnat, pamamaga ng mga kulani o lymph nodes, pananakit ng ulo, o pamamaga sa paligid ng kagat.[1] Pagkalipas ng 8–12 na linggo, ang mga indibidwal ay hahantong sa matagalang bahagi ng sakit at ang 60–70% ay hindi kailanman magkakaroon ng mga karagdagang sintomas.[2][3] Ang ibang 30 hanggang 40% ng mga tao ay nagkakaroon ng mga karagdagang sintomas pagkalipas ng 10 hanggang 30 taon mula sa unang impeksiyon.[3] Kasama na rito ang paglaki ng mga ventricles o lungaw sa loob ng puso sa 20 hanggang 30% na humahantong sa atake sa puso.[1] Ang pamamaga ng esophagus o lalangan o ang pamamaga ng colon ay maaari ring mangyari sa 10% ng mga tao.[1]
Mga sanhi at pagtukoy ng sakit
[baguhin | baguhin ang wikitext]AngT. cruzi ay karaniwang naihahawa sa mga tao at sa ibang hayop sa pamamagitan ng pagkakasipsip ng dugo ng "kissing bugs" na subfamily ng Triatominae.[4] Ang mga insektong ito ay kilala sa mga ibang lokal na pangalan, pati na ang: vinchuca sa Argentina, Bolivia, Chile at Paraguay, barbeiro (ang barber) sa Brazil, pito sa Colombia, chinche sa Central America, at ang chipo sa Venezuela. Ang sakit ay maaari ring maihawa sa pamamagitan ng pagsalin ng dugo, pag-transplant ng organ, pagkain ng pagkaing kontaminado ng parasito, at naihahawa ng ina sa di pa isinisilang na sanggol.[1] Ang maagang pagkakatukoy ng sakit ay sa pamamagitan ng pagkakakita ng parasito sa dugo sa pamamagitan ng microscope.[3] Ang pagkakatukoy ng matagalang sakit ay sa pamamagitan ng pagkakakita ng mga antibody para sa T. cruzi sa dugo.[3]
Pag-iwas at Paggamot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pag-iwas ay karaniwang may kinalaman sa pagpuksa ng mga kissing bug at pag-iwas ng pagkagat ng mga ito.[1] Ang ibang pang-iwas na pagsisikap ay kinabibilangan ng pag-screen ng dugong isasalin.[1] Wala pang nagagawang bakuna hanggang noong 2013.[1] Ang mga maaagang impeksiyon ay nagagamot pa sa pamamagitan ng benznidazoleonifurtimox.[1] Ang mga ito ay halos palaging nagagamot kung maaga itong maibigay, gayun pa man, ito ay hindi na gaanong mabisa habang tumatagal ang taong nagkakasakit ng Chagas.[1] Kapag ginagamit sa mga matagal nang sakit, maaaring maantala o maiwasan ang pagkakaroon ng mga malalalang sintomas.[1] Ang benznidazole at nifurtimox ay nagdudulot ng pansamantalang di kanais-nais na di inaasahang epekto ng gamot ng hanggang 40% ng mga tao[1] kasama na dito ang mga sakit sa balat, pagkakaroon ng toxin sa utak, irritasyon ng digestive system o sistema ng pagtunaw ng pagkain.[2][5][6]
Pag-aaral Tungkol sa Epidemya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinatayang ang 7 hanggang 8 milyong tao, ang karamihan ay nasa Mexico, Central America at South America ay may sakit na Chagas.[1] Ito ay naging sanhi ng 12,500 na pagkamatay sa bawat taon hanggang noong 2006.[2] Ang karamihan sa mga taong may ganitong sakit ay mga mararalita [2] at karamihan sa kanila ay hindi alam na sila ay nahawaan na ng impeksiyon.[7] Ang malaking bilang ng mga paglipat ng populasyon ang nagparami ng mga lugar na pakakakitaan ng mga kaso ng sakit na Chagas at kasama na ngayon ang mga bansa sa Europa at Estados Unidos.[1] Nakikita rin sa mga lugar na ito ang pagtaas ng bilang sa paglipas ng mga taon hanggang noong 2014.[8] Ang sakit ay unang inilarawan noong 1909 ni Carlos Chagas na siyang ipinangalan dito.[1] Ito ay nakakaapekto sa mahigit sa 150 na ibang hayop.[2]
Mga Reperensiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 1.14 1.15 "Chagas disease (American trypanosomiasis) Fact sheet N°340". World Health Organization. Marso 2013. Nakuha noong 23 Pebrero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Rassi A, Rassi A, Marin-Neto JA (Abril 2010). "Chagas disease". Lancet. 375 (9723): 1388–402. doi:10.1016/S0140-6736(10)60061-X. PMID 20399979.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Rassi A, Jr; Rassi, A; Marcondes de Rezende, J (Hunyo 2012). "American trypanosomiasis (Chagas disease)". Infectious disease clinics of North America. 26 (2): 275–91. doi:10.1016/j.idc.2012.03.002. PMID 22632639.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DPDx – Trypanosomiasis, American. Fact Sheet". Centers for Disease Control (CDC). Nakuha noong 12 Mayo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bern C, Montgomery SP, Herwaldt BL; atbp. (Nobyembre 2007). "Evaluation and treatment of chagas disease in the United States: a systematic review". JAMA. 298 (18): 2171–81. doi:10.1001/jama.298.18.2171. PMID 18000201.
{{cite journal}}
: Explicit use of et al. in:|author=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Rassi A, Dias JC, Marin-Neto JA, Rassi A (Abril 2009). "Challenges and opportunities for primary, secondary, and tertiary prevention of Chagas' disease". Heart. 95 (7): 524–34. doi:10.1136/hrt.2008.159624. PMID 19131444.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Capinera, John L., pat. (2008). Encyclopedia of entomology (ika-2nd ed. (na) edisyon). Dordrecht: Springer. p. 824. ISBN 9781402062421.
{{cite book}}
:|edition=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bonney, KM (2014). "Chagas disease in the 21st Century: a public health success or an emerging threat?". Parasite. 21: 11. doi:10.1051/parasite/2014012. PMC 3952655. PMID 24626257.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Padron:Open access