Pumunta sa nilalaman

Karamdamang Parkinson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sakit na Parkinson)
Paglalarawan ng karamdamang Parkinson na iginuhit ni Sir William Richard Gowers mula sa A Manual of Diseases of the Nervous System ("Isang Gabay sa mga Karamdaman ng Sistemang Nerbyos") noong 1886.

Ang karamdamang Parkinson o sakit na Parkinson, kilala rin bilang paralysis agitans (paralisis na kumakalog), ay isang kronikong kapansanan ng sistemang nerbyos. Pinangalanan ito mula kay James Parkinson (1755-1824), isang manggagamot mula sa Londres, Inglatera. Ang isinaunang paglalarawan ng karamdamang Parkinson ay matatagpuan sa akdang An Essay on the Shaking Palsy ("Isang Sanaysay Hinggil sa Panghihinang Umaalog") sa ni James Parkinson na nalathala sa Londres noong 1817. Karaniwang nagaganap ang sakit na ito pagkaraan ng panahon ng gitnang buhay ng tao, na mas kadalasang nangyayari sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Palihim ang pag-uumpisa ng karamdamang ito, at ang pagsulong ay kinatatangian ng pagkakaroon ng panghihina ng mga masel, paninigas at hindi mapagalaw na mga masel, at mga pangangatog. Nagkakaroon ang mukha ng hitsurang parang tuod, na tinatawag na maskarang Parkinson, habang naninigas ang katawan. Nagkakaroon din ang may-sakit ng pestinasyon (mula sa Ingles na festination), isang kakaibang paraan ng paglalakad. Nagpapakita ang mga kamay ng isang magaslaw na nanginginig na kilos, na parang nagpapagulong ng mga pildora. Maaari rin na mayroong pangangatog sa mga bisig, sa ulo, sa dila, at sa mga binti.[1]

Sa karamdamang Parkinson, ang naaapektuhang bahagi ng utak ay ang corpus striatum, na maaaring nagmula sa isang malubha at matinding pagkakabangga o pagkabugbog ng sistemang nerbyos.[1]

Bagaman wala pang natatagpuang lunas para sa karamdamang Parkinson, ilan sa mga ginamit na gamot na pampaginhawa ang hyoscine hydrobromide (USP scopolamine hydrobromide, 1/120 grano). Subalit dahil sa mataas na antas ng pagka nakakalason (toksisidad) ng hyoscine hydrobromide, gumamit ang mga Pranses na mediko ng genoscopolamine (nagsimula ang katawagang ito noong 1925), isang amino-oksido ng scopolamine, na may talab na terapeutiko ng scopolamine hydrobromide subalit 200 ulit ang kababaan ng pagiging nakakalason.[1]

Ang kondisyon ay naging karaniwan noong ika-21 na siglo (ayon sa WHO, noong 2022), at isang pag-aaral ng Journal of Parkinson's Disease (noong 2018) ay tinutukoy ito bilang pandemya[2].

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "Parkinson's Disease". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 568.
  2. Citroner, George (29 Mayo 2023). "The Avoidable Pandemic of Parkinson's Disease". The Epoch Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Hulyo 2023. In 2022, the World Health Organization (WHO) reported that disability and death due to the disease were increasing faster than for any other neurological disorder, including Alzheimer's.

    Parkinson's Has Become a 'Pandemic'
    In 1817, Dr. James Parkinson first described the condition in London. It was rare, and he only found six individuals with the disease.

    However, 200 years later, in 2015, more than 6 million individuals lived with it, according to the 2018 review [of studies in the Journal of Parkinson's Disease]. Furthermore, findings indicate that the number of people with Parkinson's disease is predicted to double from 6 million in 2015 to more than 12 million by 2040, primarily due to aging.

    [...]

    The 2018 review of studies finds that Parkinson's, while noninfectious, exhibits traits that identify it as a 'pandemic' disease.
    {{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

MedisinaNeurosiyensiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Neurosiyensiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.