Pumunta sa nilalaman

Di-buong bunin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sakop ng kahulugan)

Sa matematika, ang di-buong bunin o parsyal na punsiyon na f mula pangkat X hanggang sa pangkat Y ay ang bunin mula sa isang subpangkat na S ng X (posibleng mismong X) sa Y. Ang subpangkat na S, ang sakop ng f bilang isang bunin, ay tinatawag na sakop ng kahulugan ng f. Kung magkatumbas ang S at X, ibig sabihin, kung mabibigyang-kahulugan ang f para sa bawat elemento ng X, masasabing lubos (total) ang f.

Sa teknikal na paliwanag, ang di-buong bunin ay isang relasyong tambalan ng dalawang pangkat na nag-uugnay sa bawat elemento ng unang pangkat sa isang elemento kadalasan (ngunit hindi palagi) ng ikalawang pangkat. Nilalahat nito ang konsepto ng isang bunin sa pamamagitan ng hindi pagpilit na maiugnay ang mga elemento ng unang pangkat sa iisang elemento lamang ng ikalawang pangkat.

Madalas gamitin ang di-buong bunin kung hindi matukoy o di kaya'y mahirap matukoy ang eksaktong sakop ng kahulugan. Halimbawa, sa kalkulo, ang kosyente ng dalawang bunin ay isang di-buong bunin na may sakop ng kahulugan na hindi maaaring maglaman ng mga sero ng pamahagi (denominator). Dahil rito, sa kalkulo at gayundin sa pagsusuring matematikal sa pangkalahatan, madalas itinuturing na lang ang mga di-buong bunin bilang bunin na lamang. Sa teorya ng komputabilidad naman, isang di-buong bunin ang pangkalahatang buning pabalik-balik (general recursive function) mula sa mga buumbilang hanggang sa iba pang mga buumbilang. Marami sa mga ito ay wala pang algoritmong nabubuo para matukoy kung sila ba talaga ay lubos o hindi.

Kapag ginamit naman ang notasyong palaso para sa mga bunin, minsan isinusulat ang di-buong bunin na f mula X hanggang Y bilang o .

Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.