Pumunta sa nilalaman

Salmonella

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Salmonella
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Salmonella

Lignieres 1900
Species

S. bongori
S. enterica

Ang Salmonella ay isang henero ng mga bakterya na may hugis baston (bacillus) na Gram-negatibo mula sa pamilyang Enterobacteriaceae. Ang dalawang kilalang espesye ng Salmonella ay ang Salmonella enterica at Salmonella bongori. Ang S. enterica ang espesyeng tipo at nahahati pa sa anim na subespesye[1][2] na binubuo ng mahigit 2,650 serotipo.[3] Ang pangalang Salmonella ay mula kay Daniel Elmer Salmon (1850–1914), isang siruhanong beterinaryong Amerikano.

Ang mga espesye ng Salmonella ay hindi bumubuo ng esporas, at karamihan ay motil na enterobakterya na may diyametro ng selula sa pagitan ng humigit-kumulang 0.7 at 1.5 μm, haba na 2 hanggang 5 μm, at may plagelo peritriko (nakapaligid sa buong katawan ng selula, na nagbibigay-daan upang makagalaw).[4] Ang mga ito ay mga kimotropo na kumukuha ng enerhiya mula sa mga reaksiyon ng oksidasyon at reduksiyon gamit ang mga organikong pinagmumulan. Sila rin ay mga anaerobyo pakultatibo, na may kakayahang lumikha ng adenosina tripospato kapag may oksiheno (erobiko), o gumamit ng ibang tagatanggap ng elektron o permentasyon (anerobiko) kapag wala ito.[4]

Ang mga espesye ng Salmonella ay mga patohenong interselular,[5] kung saan ang ilang serotipo ay nagdudulot ng mga karamdaman tulad ng salmonelosis. Karamihan sa mga impeksiyon ay sanhi ng pagkalunok ng pagkaing kontaminado ng dumi. Ang mga serotipong tipoideong Salmonella ay naipapasa lamang sa pagitan ng mga tao at maaaring magdulot ng mga sakit na pagkaing-daluyan gaya ng tipoidea at paratipoidea. Ang lagnat na tipoidea (typhoid) ay dulot ng paglusob ng Salmonella tifoidea sa dugo at pagkalat sa buong katawan, kasama ang paglusob sa mga organo at paglabas ng mga endotoksina (ang anyong septiko). Maaari itong humantong sa hipobolemikong shock at septikong shock na nakamamatay, at nangangailangan ng masinsing pag-aalaga kasama ang paggamit ng mga antibiyotiko.

Ang mga serotipong hindi tipoideong Salmonella ay sunotiko at maaaring maipasa mula sa mga hayop o sa pagitan ng mga tao. Karaniwan nilang sinasalakay lamang ang bitukang daanan at nagdudulot ng salmonelosis, na ang mga sintomas ay karaniwang nawawala kahit walang antibiyotiko. Gayunman, sa Aprika sa ibaba ng Sahara, ang mga Salmonella na hindi tipoideo ay maaaring maging mapanglusob at magdulot ng lagnat na paratipoidea, na nangangailangan ng agarang gamot na antibiyotiko.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Su LH, Chiu CH (2007). "Salmonella: clinical importance and evolution of nomenclature". Chang Gung Medical Journal (sa wikang Ingles). 30 (3): 210–219. PMID 17760271.
  2. Ryan MP, O'Dwyer J, Adley CC (2017). "Evaluation of the Complex Nomenclature of the Clinically and Veterinary Significant Pathogen Salmonella". BioMed Research International (sa wikang Ingles). 2017 3782182. doi:10.1155/2017/3782182. PMC 5429938. PMID 28540296.
  3. Gal-Mor O, Boyle EC, Grassl GA (2014). "Same species, different diseases: how and why typhoidal and non-typhoidal Salmonella enterica serovars differ". Frontiers in Microbiology (sa wikang Ingles). 5: 391. doi:10.3389/fmicb.2014.00391. PMC 4120697. PMID 25136336.
  4. 4.0 4.1 Fàbrega A, Vila J (Abril 2013). "Salmonella enterica serovar Typhimurium skills to succeed in the host: virulence and regulation". Clinical Microbiology Reviews (sa wikang Ingles). 26 (2): 308–341. doi:10.1128/CMR.00066-12. PMC 3623383. PMID 23554419.
  5. Jantsch J, Chikkaballi D, Hensel M (Marso 2011). "Cellular aspects of immunity to intracellular Salmonella enterica". Immunological Reviews (sa wikang Ingles). 240 (1): 185–195. doi:10.1111/j.1600-065X.2010.00981.x. PMID 21349094. S2CID 19344119.
  6. Ryan I KJ, Ray CG, mga pat. (2004). Sherris Medical Microbiology (sa wikang Ingles) (ika-4 (na) labas). McGraw Hill. pp. 362–8. ISBN 978-0-8385-8529-0.