Pumunta sa nilalaman

Sam Cassell

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sam Cassell
Si Cassell noong 2013
Philadelphia 76ers
PositionAssistant coach
LeagueNBA
Personal information
Born (1969-11-18) 18 Nobyembre 1969 (edad 54)
Baltimore, Maryland
NationalityAmerikano
Listed height6 tal 3 pul (1.91 m)
Listed weight185 lb (84 kg)
Career information
High school
College
NBA draft1993 / Round: 1 / Pick: ika-24 overall
Selected by the Houston Rockets
Playing career1993–2009
PositionPoint guard
Number10, 20, 19, 28
Coaching career2009–kasalukuyan
Career history
As player:
19931996Houston Rockets
1996Phoenix Suns
1996–1997Dallas Mavericks
19971999New Jersey Nets
19992003Milwaukee Bucks
20032005Minnesota Timberwolves
20052008Los Angeles Clippers
2008–2009Boston Celtics
As coach:
20092014Washington Wizards (assistant)
20142020Los Angeles Clippers (assistant)
2020–kasalukuyanPhiladelphia 76ers (assistant)
Career highlights and awards
Career statistics
Points15,635 (15.7 ppg)
Rebounds3,221 (3.2 rpg)
Assists5,939 (6.0 apg)
Stats at Basketball-Reference.com

Si Samuel "Sam" James Cassell (ipinanganak noong ika-18 ng Nobyembre, 1969, sa Baltimore, Maryland) ay isang dating Amerikanong propesyonal na baksebolista.

Si Cassel ay napili bilang ika-24 overall ng Houston Rockets noong 1993 NBA Draft galing sa Florida State University. Tinulungan niyang manalo ang nasabing kuponan upanng manalo ng dalawang kampeonato noong 1994 at 1995. Matapos ang 1995-96 season, siya ay na-trade sa Phoenix Suns, ngunit sandali lamang ang pananatili niya doon.

Hindi rin nagtagal at na-trade siyang muli kasama sina Michael Finley, A.C. Green at isang draft pick papuntang Dallas Mavericks para kay Jason Kidd, Tony Dumas, at Loren Meyer noong ika-26 ng Disyembre, 1996. Noong sumunod na taon, siya ay nalipat kasama ni Chris Gatling, Jim Jackson, George McCloud, at Eric Montross papuntang New Jersey Nets para kay Shawn Bradley, Ed O'Bannon, Robert Pack at Khalid Reeves.

Makalipas ang dalawang taon, siya ay nasama sa isang three-way trade at siya ay napunta sa Milwaukee Bucks kasama nina Brian Evans, Chris Gatling, at dalawang future draft choices. Noong ika-27 ng Hunyo, 2003, muli siyang nalipat ng kuponan papuntang Minnesota Timberwolves kasama si Ervin Johnson para kila Joe Smith at Anthony Peeler. Noon namang ika-12 ng Agosto, 2005, muling na trade si Cassell kasama ang isang draft pick papuntang Clippers para kila Marko Jaric at Lionel Chalmers.

Animo'y natagpuan na ni Cassell ang tamang kuponan para sa kanya kasama ang Los Angeles Clippers; at pinangunahan ng beteranong basketbolista ang kuponan papuntang Western Conference semi-finals noong 2006 NBA Playoffs at nasa kanila pa ang home court advantage sa unang round. Tinalo nila ang Denver sa loob lamang ng limang laban, ngunit sa kalaunan ay matalo sa kamay ng Phoenix Suns pagkatapos ng pitong laban.

Kilala si Cassell dahil sa kanyang kakaibang personalidad at dahil magaling siyang makibagay. Isa siya sa "big three " ng Milwaukee Bucks kasama nina Ray Allen at Glen Robinson na nakapasok sa Eastern Conference Finals noong 2001. SA Minnesota, isa sya sa mga importanteng manlalarong TImberwolves. Siya at ang kanyang mga kakampi ay pinangunahan ng 2003-04 MVP na si Kevin Garnett upang makapasok sa 2004 Western Conference Finals sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng kuponan.

Noong 2006, nagkasundo si Cassell at ang Lakers para sa isang kontrata para sa dalawng taon na nagkakhalaga ng $13,000,000, na tinapatan naman ng Atlanta Hawks nghalagang $15,000,000. Sa huli, tinanggihan ni Cassell ang Atlanta at nakumpirma na ang kasunduan nila ng Lakers noong ika-2 ng Hulyo. Nakumpleto ang kasunduan noong ika-12 ng Hulyo, noong magsimula ang NBA Free Agency period.

Kawing palabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]