Samahang Nazareno
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Hunyo 2017) |
Maaaring hindi nakakatugon ang artikulong ito sa pangkalahatang gabay sa katanyagan.
Pakitulungang magbigay ng katunayan ng katanyagan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mapagtitiwalaan, pangalawang mga sanggunian tungkol sa paksa. Kung hindi makapagbigay ng patunay ng katanyagan, malamang na isanib o burahin ang artikulo. |
Ang buhay at ang pagpapakasakit ng ating PANGINOONG HESUKRISTO ay isang kaugaliang naiwan sa atin ng mga banyaga, may ilang daang taon na ang nakalipas. Ang mga pagtatanghal na ito ay isang bahagi ng maraming nakagisnang panoorin at sistema ng pamamanata nating mga kristiyano. Ito ay ipanamana sa atin ng ating mga ninuno bilang pagpapahalaga sa kasasayang naganap noong unang MAHAL NA ARAW. Tulad ng KAPASKUHAN, pinagpapahalagahan ng mga Kristiyano saan mang dako ng mundo ang araw na ito. Ang bawat rehiyon, lalawigan at bayan ay may kanya-kanyang pamamaraan at gawi para bigyang halaga ang kanilang kulturang kinamulatan.
Ang bayan ng Cainta na nasasakupan ng lalawigan ng Rizal, ay masasabing isa sa mga masugid na tagapagpalaganap ng mga binanggit. Ang pagtatatanghal ng SENAKULO, PENITENSIYA AT PABASA ay matagal ng isinasagawa sa ating pamayanan. At marahil di lang iilan sa ating mga kababayan ang naging bahagi at nakikibahagi sa panooring ito. Sa dean-daang nakikibahagi sa araw na ito, maraming dito ang pamamanata at ang iilan ay bilang paggalang at pakikiisa sa pag-aayuno, pag-galang at pagalala sa araw ng PAGHIHIRAP NG ATING POONG HESUS.
Sinimulan ng Krus Sa Nayon Inc. ang pag sasadula ng Senakulo noong 1904 na hanggang ngayon ay nagpapalabas padin tuwing Semana Santa.
Noong taong 1953, isang pangkatin ng mga kabataan sa Baryo San Juan at Baryo San Andres ang nagkaisa para sa pagtatanghal ng PENITENSIYA. Dahil dito, nagkaroon ng bukas na isipan ang mga kabataan sa Bayan ng Cainta sa pagsasalarawan sa buhay ng ating Manunubos. Dito nagsimula ang masidhing panata ng mga taga Cainta na maipalabas ang tunay pangyayari sa buhay ni Hesus sa isang tanghalan o entablado.
Taong 1960, isang pangkatin sa ilalim ng pagtataguyod nila mga Ginoong †Vicente del Rosario, †Fabbie Halili, †Domingo Cruz, †Leonardo Landicho, †Anghel Sta. Ana, †Onofre Vasqez, †Tony Cadayoc, †Mariano de Guzman, †Arcadio Francisco, Felipe Marcelo, at David Javier ang pumalaot sa nasabing kaugalian. Sa simula, hindi naging matagumpay ang kanilang mga mithiin dahil sa ibat-ibang dahilan. Ngunit, hindi ito naging dahilan para mabawasan ang init ng kanilang pagnanasa na makapagtatag ng isang samahan ng mga senakulistang kabataan na magtataguyod sa kanilang giangawang pananampalataya.
Sinikap ng mga tinurang kabataan na mas lalong pag-ibayuhin ang sigla at tatag sa pagsasalarawan sa buhay ng ating Panginoon. Hindi naman nag laon, ang mga kabataang ito at ang mangilan-ngilang masugid na tagapagtaguyod nila ay nagkaisa na buohin ang samahang ito para mabigyan ng karangalan ang Bayan ng Cainta sa isang mapananampalataya at masining na kaugaliang Filipino.
Ang SAMAHANG NAZARENO ay isinilang sa sidhi at tapat na panata ng mga kabataang ito. Hindi nila inalintana ang hirap at pagod na kanilang daranasin sa pagtatatag ng isang maka-Diyos na samahan, at iyan din ang kusang-loob na ginagawa ng ilang mamamanata sa panahong ito.
Nagsimula din sa mga panahong yaon ang pananaliksik (research) sa mga akmang kasuotan at kagamitan na naaangkop sa panahon ng Imperyo Romano (kasuotang ginamit ng mga Hudyo (Jews) at mga kasuotan at kagamitang Romano). Ang mga kuro-kuro tungkol dito ay binalangkas sa pamamahala ni †Vicente del Rosario, ang natalagang bilang unang pangulo, sa tulong ng mga dumaraming kasapi nito. Kagya’t di nagtagal at ang kanilang mga pagsisikap ay matangumpay na nagbunga ng napakaganda at napakalaking samahan.
Sa pamamagitan ng bagong kasapi ng panahong iyon na si †Romarico Cruz, ang mga naggagandahang telon na naakma sa mga eksena ay nabuo. Ang mga telon na ito ang nagbigay kulay sa at liwanag sa kapaligaran at loob nang entablado. Sa kanya din nagsimula sa tulong ni Erning Magracia at ng mga iba pang kasapi ang ibat-ibang kasuotan ng mga kawal Romano at Hudyo (Armor, Helmet, Shield, Weapon, Ensigna and Leggins) at mga alahas at karamitan ng mga Hari, Pantas, Pariseo, Levita at mga Gobernador. Dito rin nabuo ang paggamit ng Chariot at kabayo, ang kalandra ni Claudia at ang Pambigti ni Hudas na lalong nagbigay ningning sa panahon ng Semana Santa. Sa mga kagamitan at kagandahan ng pagtatanghal ay naimbita ang samahan sa iba’t-ibang lugar Tulad ng San Pablo, Laguna; Obando, Bulacan; Navotas at Marikina, Rizal; at iba pang mga lugar.
Ng taong 1965, lalong higit ang papuring tinggap ng Samahan ng kanilang ilunsad sa pagtatanghal ang dating si Bb. Terry Lualhati, na siyang guamanap bilang Claudia. Sa mga panahon ding ito minarapat ng Samahan na magtatag ng isang Altar na pagdadausan ng taunang pabasa at gaundin ang pagtatatag ng SALUBONG AT KAPITANA.
Ang senakulo sa panahong ito, kahit na naging maganda sa pamamagitan sa tulong ng mga makabagong kagamitan at makulay sa ganda ng telon at entablado, ay naging kabagut-bagot sa mga manonood dahil sa makalumang sistema ng palabas. Pitong araw isinasaganap ang Senakulo sa pamamaraang makaluma mula 1960 hanggang 1968.
Nahalal si Ginoong Eddie Reyes noong 1968, sa kanyang pamamahala napagtuunan ng SAMAHANG NAZARENO ang kakulangan ng palabas at ibagay ito sa makabagong panahon. Ang pag-aaral at pagsasaliksik sa makabagong “script” ng samahan. Ang pagpapalitan ng kuro-kuro hinggil sa pamamaraan ng pagtatanghal a naging pangkaraniwan. Hindi mabilang ang mga aklat na tumatalakay sa panahong naturan at mga larawan ang sinuring mabuti upang maging batayan sa pagbabago ng mga kasuoutan, pananalita, at tanawing gagamitin. Ang mga mungkahing ito a tinipon at pinagsama-sama. Gayundin naman, sa panahon ding ito, sinimulang piliin ng mga namamahala sa produksiyon ang mga taong magsisiganap sa mga pangunahing papel. Ang mga makabagong telon, kasangkapan at kasuotan ay binalangkas sa ilalim ng makasining na kaisipan nina †Romarico Cruz at Lut Estanislao. Ang paglalapat ng tunog at musika at mga ilaw ay naging bahagi na rin ng paghahanda.
Noong taong 1970, ang mga pagsisikap na ito ay ipinamalas sa kauna-unahang pagkakataon. Naging matagumpay ang nasabing pagtatanghal. Sa mga panahong ito a yumabong at umunlad ang kulturang itinatag ng mga munting kabataan noong 1960. Hanggang sa ngayon ang itinatag nilang ay magiging pundasyon ng mithiing mapalaganap ang Kristiyanismo sa Bayan ng Cainta at kanugnog pook.
Taong 1972, ang samahan sa tulong nga mga nagpapahalagang kasapi ay nalathala sa Securities and Exchange Commision sa bilang ng kautusan bilang 50070. Ang Samahang Nazereno, Inc. ay isang non-profit and non-stock na korporasyon.
References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Google News
- iReports – Good Friday Naka-arkibo 2009-04-05 sa Wayback Machine.