Pumunta sa nilalaman

San Benedetto Ullano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Benedetto Ullano
Comune di San Benedetto Ullano
Lokasyon ng San Benedetto Ullano
Map
San Benedetto Ullano is located in Italy
San Benedetto Ullano
San Benedetto Ullano
Lokasyon ng San Benedetto Ullano sa Italya
San Benedetto Ullano is located in Calabria
San Benedetto Ullano
San Benedetto Ullano
San Benedetto Ullano (Calabria)
Mga koordinado: 39°26′N 16°7′E / 39.433°N 16.117°E / 39.433; 16.117
BansaItalya
RehiyonCalabria
LalawiganCosenza (CS)
Mga frazioneMarri
Pamahalaan
 • MayorRosaria Amalia Capparelli
Lawak
 • Kabuuan19.57 km2 (7.56 milya kuwadrado)
Taas
460 m (1,510 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan1,511
 • Kapal77/km2 (200/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarSanbenedettesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
87040
Kodigo sa pagpihit0984
WebsaytOpisyal na website

Ang San Benedetto Ullano (Arbëreshë Albanes: Shën Benedhiti) ay isang bayan at komuna sa lalawigan ng Cosenza sa rehiyon ng Calabria sa katimugang Italya.

Matatagpuan sa paanan ng burol ng S. Elia, kabilang ito sa mga nayon ng Italoalbanes (Arbëreshë) na pinakamalapit sa Cosenza, na 28.5 km lamang ang layo, na nananatili pa rin ang kultura, wika, at ritung Bisantino. Ang mga frazione ay ang Marri (Allimarri), isa ring pamayanang Albanes, at Piano dei Rossi, isang bagong lugar ng tirahan kung saan sinasalita ang wikang Albanes.

Sa dalawang frazione ng ng Marri, sa taas na 440 metro mula sa antas ng dagat, na isa ring makasaysayang komunidad ng mga Albanes, at ng Piano dei Rossi, sa taas na 450 metro mula sa antas ng dagat, ang wikang Albanes ay sinasalita pa rin.

Ang bayan ay may napakatandang pinagmulan, at ang mga unang maaasahang talaan ng kasaysayan ay nagmula pa sa mga huling dekada ng ika-12 siglo, noong ito ay isang lupain ng mga Normandong Duke ng Montalto, na nagtatag ng isang monasteryong Benedictino doon noong mga taong iyon, kung saan kinuha ang pangalan ng maliit na nayon. Ang pangalang "Ullano" ay malamang na tumutukoy sa isang sinaunang pamayanan sa malapit, mula sa Latin na Aulanium. Ang sinaunang nayon noong medyebal ay nakaranas ng isang tiyak na paglago ng demograpiko at ekonomiya, na nagresulta sa pag-unlad ng lungsod, noong ikalawang kalahati ng ika-15 siglo, nang ito ay muling tinirhan ng mga lumikas na Albanes.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.