San Gregorio Magno al Celio
Itsura
Ang San Gregorio Magno al Celio, kilala rin bilang San Gregorio al Celio o simpleng San Gregorio, ay isang simbahan sa Roma, Italya, na bahagi ng isang monasteryo ng mga mongheng Camaldula na isang sangay ng Ordeng Benedictino. Noong Marso 10, 2012, ang ika-1,000 anibersaryo ng pagkakatatag ng Ordeng Camaldula noong 1012 ay ipinagdiriwang dito sa isang serbisyo ng mga dasal na dinaluhan ng mga Anglikano at Katolikong prelado at magkasamang pinangunahan nina Papa Benedicto XVI at Rowan Williams, Arsobispo ng Canterbury.