Pumunta sa nilalaman

San Miguel Beer

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Miguel Beer
UriPale lager
TagagawaSan Miguel Corporation (1890-25 Hulyo 2007)
San Miguel Brewery (26 Hulyo 2007-kasalukuyan)
Bansang pinagmulanPilipinas
Ipinakilala1890
Antas ng alkohol5%
Mga baryanteSan Miguel Premium All-Malt Beer, San Miguel Super Dry, San Miguel Flavored Beer, Cerveza Negra (San Miguel Dark Beer)
Websayt[1] Websayt ng San Miguel

Tumutukoy ang San Miguel Beer sa San Miguel Pale Pilsen, isang Pilipinong pale lager na gawa ng San Miguel Brewery (isang subsidyaryo ng San Miguel Corporation). Itinatag noong 1890 ng orihinal na San Miguel Brewery (muling ipinangalanang San Miguel Corporation noong 1964), ito ang pinakamalaking tagabenta ng serbesa sa Pilipinas at Hong Kong. Kilala ito sa mga merkado ng Tsino bilang 生力啤酒. Ipinakilala ang San Miguel Beer sa Espanya ng San Miguel Brewery noong 1946. Na-spinoff ang mga karapatang Kastila noong 1953 ng San Miguel Brewery at naging isang malayang entidad na kilala ngayon bilang Mahou-San Miguel.[1]

Itinatak bilang "San Miguel"
  • San Miguel Pale Pilsen (San Miguel Beer) (5% ABV)
  • San Miguel Premium All-Malt Beer (5% ABV)
  • San Miguel Super Dry (5% ABV)
  • San Miguel Flavored Beer (3% ABV)
  • Cerveza Negra (San Miguel Dark Beer) (5% ABV)
  • Red Horse (San Miguel strong beer) (7% ABV)
Itinatak bilang "San Mig"
  • San Mig Light (5% ABV)
  • San Mig Strong Ice (6.3% ABV)
  • San Mig Zero (0% ABV)

San Miguel Beer (Espanya)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang bahagi ng pagpapalawak nito sa ibang bansa, pumasok ang San Miguel sa merkado ng Espanya noong 1953, at doon itinatag ang kumpanya na magiging San Miguel Spain. Mula noong 1946, mayroong isang kumpanya na nakatuon sa paggawa ng malta para sa mga layuning panggamot na kilala bilang La Segarra. Noong unang bahagi ng dekada 1950, nakipag-ugnayan ang mga pangunahing kasapi na sina Enrique Suárez Rezona, Ramón Vidal at Jaime Muñiz kay Andrés Soriano, dating pangulo ng San Miguel Brewery, upang payagan silang makagawa ng serbesa sa ilalim ng pangalang San Miguel sa Espanya. Noong 1953, nilagdaan ng San Miguel Brewery, Inc. ang "Manila Agreement", kung saan nagtatag ang Pilipinong serbesero ng bagong serbesahan sa Espanya, La Segarra, S.A. Ang kumpanya ay muling pinangalanang San Miguel Fabricas de Cerveza y Malta, S.A. noong 1957, isang kaanib ng San Miguel Brewery, Inc. na sa una ay humawak ng 20% kabahaging ekwidad sa pamamagitan ng kanyang subsidyaryo sa Hong Kong.[2]

Nakuha ang kumpanya ng Mahou, S.A. mula sa Groupe Danone noong 2000, na pinagsama upang mabuo ang pinakamalaking serbesero ng Espanya, ang Mahou-San Miguel.[3] Noong 26 Pebrero 2014, nilagdaan ng San Miguel at Mahou-San Miguel ang isang kasunduan sa pakikipagtulungan upang maisulong nang magkasama ang San Miguel Beer at palawigin ang pandaigdigang bakas nito.

Matatalunton ang kasaysayan ng San Miguel sa 1890, nang magpasya ang isang pangkat ng mga Kastila na buksan ang unang serbesahan sa Timog Silangang Asya, lalo na sa Maynila. Pinaggawaan ang pabrika ng magkakaibang uri ng mga serbesa at deribatibong produkto sa ilalim ng pangalang "San Miguel". Sa kabisera ng kolonya walang sinuman ang nakaalam ng serbesa hanggang noon. Sa kadahilanang iyon, isang makasaysayang kaganapan ang pagpapasinaya ng serbesahan at nakilala ito bilang "Araw ng San Miguel".[4]

Pagpapalawak sa Espanya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Pebrero 1946, nabuo ang korporasyong La Segarra S.A. sa Lleida, Catalonia, na may layuning gumawa ng serbesa, ngunit naging sanhi ang burukratikong proseso ng pagkaantala sa produksiyon hanggang 1953. Kaya, noong 1954 bumalik ang grupo sa Espanya sa isang bapor na puno ng lebadurang Asyano na lumakbay nang 45 araw patawid sa karagatan. Noong 1957, nilagdaan ang Manila Agreement kung kailan itinatag si Andrés Soriano Sr., pangulo ng San Miguel Brewery, at San Miguel, Beers at Malts Factory S.A., malaya mula sa kumpanya sa Maynila. Mula noon, tumahak ang dalawang kumpanya sa magkaibang landas.   [ <span title="This claim needs references to reliable sources. (September 2018)">pagbanggit kailangan</span> ]

Pagpapalawak sa Aprika at Europa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1965 dumating ang San Miguel sa Aprika, at noong 1967 kumalat ito sa iba pang mga kabisera sa Europa tulad ng Londres, Paris at Berlin. Noong 1970 binili nito ang GULDER, isang Kastilang-Olandes na tatak ng serbesa, at ang kanyang pabrika sa Burgos. 600,000 hl ang pinagsamang kapasidad ng tatlong pabrika noon, na nakamit ng 7% bahagi ng pambansang merkado. Sa tulong ng progresibong pagbubukas sa Espanya at ng pagpupunyagi ng kagawaran ng pagluwas, lumaki ang pagluluwas ng serbesa noong dekada '70 sa Kanlurang at Silangang Europa at Hilagang Aprika hanggang nakaabot sa taunang bilang ng 125,000 hl.[5]

Mahou-San Miguel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matatalunton ang simula ng pagbuo ng Mahou-San Miguel sa mga saping-puhunan ng Danone. Noong 1994, 18% ng San Miguel, Beers at Malts Factory ang nakuha ng Pranses na multinasyonal. Noong 1997, pinalaki ng Danone ang kanyang bahagi patungo sa 82% at nagmay-ari din ng makabuluhang bahagi ng Mahou. Sa mga sumunod na taon, nawalan ng interes ang Danone sa kumpanya at samakatuwid sinamantala ng serbesahan ang sanib-puwersa kay Mahou, pinagsama ang dalawa at naging Mahou-San Miguel. Kalaunan pinagsama rin nito ang Alhambra ng Granada, isa pang serbesero.[6]

Nakabatay ang escudo (pantatak) ng San Miguel na ginamit bilang logo ng tatak ng lahat ng mga produktong serbesang itinatak ng San Miguel sa orihinal na kutamaya ng Maynila noong panahon ng Kastila. Ito rin ang pangkorporasyong logo ng San Miguel Corporation at ng mga kumpanya ng San Miguel Brewery.[7]

Hindi ginagamit ng Mahou-San Miguel Group ang logo na ito para sa mga serbesang itinatak ng San Miguel. Sa halip nito, gumagamit ito ng larawan ng isang galyon bilang kanyang logo ng tatak.

San Miguel Beermen

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang San Miguel Beermen ay isang propesyonal na koponan ng basketbol sa Philippine Basketball Association (PBA). Ang prangkisa ay pagmamay-ari ng San Miguel Corporation (SMC) mula 1975.[8] Ito ay isa sa tatlong ball club ng PBA na pag-aari ng pangkat ng mga kumpanya ng SMC kasama ang Magnolia Hotshots at Barangay Ginebra San Miguel. Ito ang tanging natitirang orihinal na prangkisa sa PBA at nangunguna sa liga ayon sa bilang ng mga kampeonato sa PBA - 27 hanggang ngayon. Ito rin ang nag-iisang koponan na nanalo ng di-kukulangin sa isang kampeonato sa bawat dekada sa limang dekadang numerikal ng pag-iiral ng PBA hanggang ngayon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "NEWS | San Miguel Brewery Inc". www.sanmiguelbrewery.com.ph. Nakuha noong 2019-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "San Miguel signs 'co-operation' agreement" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.sanmiguel.com.ph/article/san-miguel-brewing-international-ltd-and-mahou-san-miguel-sign-a-cooperation-agreement Naka-arkibo 2020-08-09 sa Wayback Machine. San Miguel Brewing International Ltd. and Mahou-San Miguel sign a cooperation agreement
  4. https://plus.google.com/+travelandleisure/posts. "In San Miguel de Allende, Everyone's Invited to Their Day of the Dead Fiesta". Travel + Leisure (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-02-21. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong); External link in |last= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "A Walk Through San Miguel's Past……the '70s! | San Miguel de Allende | Atención San Miguel" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-22. Nakuha noong 2019-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Mahou San Miguel, the leading Spanish beer company and the most international". www.mahou-sanmiguel.com. Nakuha noong 2019-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Miguel, Don (2007-10-13). "Giornale di un Signorino: The Case of the 2 San Miguel Beers (Spain and the Philippines): Which one is the original?". Giornale di un Signorino. Nakuha noong 2019-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "San Miguel Beermen basketball, News, Roster, Rumors, Stats, Awards, Transactions, Details - asia-basket". www.eurobasket.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-22. Nakuha noong 2019-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]