San Pantaleon
Si San Pantaleon ay isang manggagamot sa palasyo ni Emperador Galerio Maximiano sa Nicomedia, anak ni Eustorgio at ni Eubula. Sa buhay sa palasyo, si Pantaleon (Gr. mahabagin)ay tumiwalag sa Kristiyanismo. Subalit nagsumikap ang isang matapat na Kristiyano na si Hermolaos upang manumbalik ang manggagamot. Nagsisising inialay niya ang buhay sa pagpapatotoo sa katotohanan ni Kristo nang usigin ng Emperador Diocleciano ang mga Kristiyano noong 303. Siya'y ipinatapon sa dagat, binuhusan ng kumukulong tingga at pinugutan ng ulo. Ang punungkahoy na kinamatayan niya ay nagbunga at may lumabas na gatas sa kanyang leeg! Sinasabing ang kanyang dugo sa Ravello ay nabubuhay hanggang ngayon (tulad ni San Jenaro) kung dumarating ang kanyang pista. Siya ay pintakasi ng mga manggagamot tulad nina San Lucas, San Cosme at San Damian. Sumalangit ang santo noong 305.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.