Sancho Panza
Itsura
Si Sancho Panza ay isang tauhang likhang-isip sa nobelang Don Quixote na isinulat ng Kastilang may-akda na si Don Miguel de Cervantes Saavedra noong 1605. Gumaganap si Panza bilang eskudero ni Don Quixote, at nagbibigay ng mga kumento sa kabuoan ng nobela, na nakikilala bilang mga sanchismo, na pagsasama-sama ng malawak na pagpapatawa, pabaligho na mga salawikain Kastila, at makadaigdig na katalasan ng isip. Sa wikang Kastila, ang "Panza" ay nangangahulugang "tiyan" o "puson", na maihahambing sa Ingles na "paunch" at Italyanong "pancia".
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.