Pumunta sa nilalaman

Sangke

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sangke
Ang mga prutas at buto ng sangke (Illicium verum)
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
I. verum
Pangalang binomial
Illicium verum

Ang Illicium verum, karaniwang kilala bilang sangke [1] (Ingles: star anise, star aniseed , o Chinese star anise) ay isang pampalasa na kasinglasa ng anise, galing sa hugis bituin na pericarp ng halaman ng Illicium verum, isang katamtaman na malaki na punong may dahon na laging lutnisa hilagang silangang Biyetnam at timog kanluran ng Tsina. Ang mga hugis bituin na prutas ay inaani bago mahinog. Ang mantika mula sa sangke ay isang mabangong mantika na ginagamit sa pagluluto, paggawa ng pabango, sabon, tutpeyst, pangmumog at kremang pangbalat. 90 na porsyento ng mga ani ng sangke ay ginagamit para pangkuhanan ng asidong shikimic, isang kemikal na ginagamit sa paggawa ng gamot na oseltamivir.

Pinagmulan ng panglan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang 'Illicium' ay galing sa salitang Latin na illicio na ibig-sabihin ay "mag-enganyo". Sa wikang Persyano, ang sangke ay tinatawag na بادیان bādiyān, ang pinagmulan ng pangalan nito sa Pranses badiane. Sa Indiya ito ay tinatawag na badian o phoolchakri at sa Pakistan ito rin ay tinatawag na badian.

Ang likuran ng prutas
Guhit mula sa Flore Medicale ni François-Pierre Chaumeton ng 1833

Ang sangke ay may anethole, ang parehas na kasangkapan ng di magkakauri na anise na nabibigay sa lasa nito. Ang sangke ay ipinakilala sa mga Kanluranin bilang mas mura na kapalit para sa anise sa paggawa ng tinapay maging sa paggawa ng alak, lalo na sa paggawa ng alak na Galliano.[kailangan ng sanggunian] Ito rin ay ginagamit sa paggawa ng sambuca, pastis, at iba pang mga klase ng absinthe.[kailangan ng sanggunian]Pinapasarap ng sangke ang lasa ng karne enhances the flavour of meat.[2] Ito ay ginagamit na pampalasa sa pagpapahanda ng biryani at masala chai sa Timog Asya. Ito rin ay ginagamit sa lutuang Intsik, at sa lutong Indiyano kung saan ito ay pangunahing kasangkapan ng garam masala, at salutong Malay and Indones. Ito ay ipinatubo sa malawak na bahagi ng Tsina para sa gamit pangkomerso para sa Tsina, Indiya, at iba pang mga bansa si Asya. Ang sangke ay isang kasangkapan ng tradisyunal na limang pampalasa na pulbos sa lutong Intsik. Ito rin ay isang pangunahing kasangkapan sa pagluto ng phở, isang Biyetnames na noodle. Ito rin ay ginagamit sa resiping Pranses na mulled wine : na tinatawag na vin chaud (maiinit na alak).

Bilang Panggamot

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagamit ang sangke sa tsaa bilang tradisyunal na pangginhawa laban sa rayuma, at ang mga buto ay puwedeng nguyain pagkatapos kumain para magkatulong sa pagtunaw ng pagkain.[kailangan ng sanggunian] Sa tradisyunal na gamot ng mga Intsik, ang sangke ay tinataguriang bilang mainit at gumagalaw na halamang gampot at nakakatulong sa sipon-ang pagkawalang kilos ng gitnang jiao.

Pangunahing pinagmumulaan ang sangke ng isang kompuwestong kimikal na asidong shikimic, isang pangunahing ginagamit sa unahang bahagi ng paggawa ng gamot na laban sa influenza, ang oseltamivir (Tamiflu).[3] Ang asidong Shikimic ay nililikha ng karamihan sa mga organismong autotropik, habang ito ay puwedeng makuha para sa komerso sa iba pang pagpamuluaan, ang sangke ay nananatiling pangkaraniwang kuhanan sa industriya. Noong 2005, ang isang panandaliang kakulangan sa sangke ay dulot sa gamit nito sa paggawa ng Tamiflu. Nalaman sa mamayang bahagi ng naturing taon, ang isang paraan para sa paggawa ng asidong shikimic mula sa bacteria ay natuklasan.[4][5][6] Ang Roche ay kumukuha na ng ilang sa mga hilaw na gamit na kailangan nito galing sa pagbuburo ng bakteryang E. coli. Ang Pandemya ng trangkaso ng 2009 ay nagdulot muli ng kakulangan sa sangke nang pinagipunan ang Tamiflu sa maraming bahagi ng daigdig. Ito ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng sangke.[7]

Pinapalaki ang sangke sa apat na probinsya ng Tsina at inaani sa pagitan ng Marso at Mayo. Ito rin ay matatagpuan sa timog ng New South Wales.[kailangan ng sanggunian] Ang asidong shikimic ay kinukuha mula sa mga buto sa isang proseso na may sampong bahagi na tumatagal ng isang taon.

Ang sangkeng Hapones (Illicium anisatum), isa pang magkatulad na puno, ay labis na nakakalason at di maaring kaiinin; sa Japan, ito ay sa halip ay sinusunog bilang insenso. Ang ilang mga kaso, kasama ang mga "seryosong epektong neurolohikal, katulad ng pagkaranas ng seizure", ay naiulat pagkatapos uminom ng tsaang sangke, ay maaring dulot ng espesye na ito. Ang sangkeng Hapones ay may anisatin, na nagdudulot na malala na pamamaga ng mga bato, daanan ng ihi, at mga organong ginagamit sa dihestiyon. Ang pagiging malason ng I. anisatum, kilala rin bilang shikimi, ay dulot ng mga malakas na mga neurotoxin (anisatin, neoanisatin, at pseudoanisatin), dahil ito sa pagiging noncompetitive na antagonist ng mga tagatanggap na GABA.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "FILIPINO FOOD/CUISINE GLOSSARY". Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hulyo 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Spaghetti Bolognese". In Search of Perfection. BBC Two. {{cite episode}}: Unknown parameter |serieslink= ignored (|series-link= suggested) (tulong)
  3. doi:10.1016/j.jep.2011.04.051
    This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand
  4. doi:10.1038/nrd1917
    This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand
  5. doi:10.1016/j.ymben.2003.09.001
    This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand
  6. doi:10.1002/bit.20546
    This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand
  7. Louisa Lim (18 Mayo 2009). "Swine Flu Bumps Up Price Of Chinese Spice". NPR.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Padron:Cite PMID ("Apparent life-threatening event in infants: think about star anise intoxication!")