Santa Maria della Scala
Ang Santa Maria della Scala (Tagalog: Santa Maria ng Hagdanan) ay isang simbahang titulo sa Roma, Italya, na matatagpuan sa rione Trastevere. Ang simbahang titulo ay basa pangangalaga ni Kardinal Ernest Simoni mula noong Pebrero 11, 2017.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang simbahan na Santa Maria della Scala ay matatagpuan sa plaza ng parehong pangalan. Ito ay itinayo sa ilalim ng pagtangkilik ni Papa Clemente VIII sa pagitan ng 1593 at 1610 upang maglagay ng isang mapaghimalang icon ng Madonna. Ayon sa tradisyon, ang isang komadrona na may kayakap na namamatay na bata ay nanalangin sa ilalim ng hagdanan ng isang bahay kung saan naroroon ang imahen ng Madonna, at ang bata ay agad na nabuhay.[2] Inialay kay Maria, ina ni Jesus, ang simbahan ay nagtataglay ng icon na iyon sa hilagang krusero, kasama ang isang barokong estatwa ni San Juan ng Krus. Ang simbahan ay itinayo sa lugar ng isang bahay na minsa'y ipinamana sa isang Casa Pia na itinatag ni Papa Pio IV noong 1563 para sa mga reporma ng puta. Noong 1597, ipinagkaloob ang simbahan sa mga Orden ng Carmelitas Descalzos.[3]
Ang mga tansong estatwa ng Labindalawang Apostol ay ninakaw mula sa sakristiya noong panahong Napoleoniko, at pagkatapos ay pinalitan ng papier-mâché.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Avviso dell'Ufficio delle Celebrazioni Liturgiche". press.vatican.va.
- ↑ Sponzilli, Osvaldo. "Visit the Pharmacy of Santa Maria della Scala", Rome Central, February 14th, 2018
- ↑ "Church of Santa Maria della Scala", Turismo Roma, Major Events, Sport, Tourism and Fashion Department