Santana (banda)
Santana | |
---|---|
Kabatiran | |
Kilala rin bilang | Santana Blues Band |
Pinagmulan | San Francisco, California, U.S. |
Genre | Latin rock, chicano rock, jazz fusion, blues rock, psychedelic rock, funk rock, hard rock, jam rock |
Taong aktibo | 1967–kasalukuyan |
Label | Sony Music, Columbia, Polydor, Arista, Starfaith |
Miyembro | Carlos Santana Gregg Rolie Neal Schon Michael Shrieve Michael Carabello Benny Rietveld Marcus Malone |
Dating miyembro | See Former members |
Website | santana.com |
Ang Santana ay isang naimpluwensiyahan ng musikang Latin na bandang rock. Ito ay itinatag sa San Francisco noong mga huling sisenta na batay sa mga komposisyon at pagpapatugtog ng pangunahing gitarista at tagapagtatag na si Carlos Santana. Ang banda ay sumikat sa kanilang kantang Latin rock na "Soul Sacrifice" sa Woodstock noong 1969. Ito ay nagtulak ng kanilang unang album na Santana na maging hit na sinundan sa sumunod na dalawang taon ng matagumpay na mga album na Abraxas at Santana III.
Ang pakikilahok ni Carlos Santana sa guru na si Sri Chinmoy ay nagdala sa banda sa musikang esoteriko bagaman hindi pa rin nawalan ng impluwensiyang Latin.
Noong 1998, ang banda ay inilagay sa Rock and Roll Hall of Fame.[1]
Ang banda ay nanalo ng 8 Grammy Awards at tatlong Latin Grammy Awards. Si Carlos ay nanalo rin ng Grammy Award bilang solo artist noong 1989 at 2003. Ang Santana ay nakapagbenta ng higit 90 milyong record sa buong mundo na gumagawa sa kanilang isa sa pinakabumentang grupo sa lahat ng panahon.[2]
sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Santana" Naka-arkibo 2018-07-13 sa Wayback Machine.. Rock and Roll Hall of Fame. Retrieved 16 April 2013.
- ↑ "An Intimate Evening with Santana: Greatest Hits Live". Las Vegas Sun. 2012-09-13.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)