Pumunta sa nilalaman

Sarah Palin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Sarah Palin.

Si Sarah Louise Heath Palin (isinilang 11 Pebrero 1964) ay isang Amerikanong politiko. Siya ang gobernador ng estado ng Alaska. Nahalal si Palin bilang gobernador noong 4 Disyembre 2006. Noong 29 Agosto 2008, pinili siya ni John McCain, ang kandidato ng Partidong Republikano sa pagkapangulo, bilang kandidato sa pagkapangalawang pangulo.

Dati siyang kasapi ng konsehong panglungsod ng Wasilla, Alaska mula 1992 hanggang 1996 at siyang punong-bayan o alkalde ng lungsod mula 1996 hanggang 2002. Makaraan ang hindi matagumpay na kampanya para sa pagka-tenyente gobernador ng Alaska noong 2002, pinangasiwaan niya ang Komisyon sa Konserbasyon ng Langis at Krudo ng Alaska mula 2003 hanggang 2004. Nahalal siya bilang gobernador ng Alaska noong Nobyembre 2006, kung kailan natalo niya ang dating gobernador mula sa Partidong Republikano ng Estados Unidos sa primarya, at sumunod na natalo niya sa halalang panglahatan ang dating gobernador mula sa Partidong Demokratiko na naglingkod ng dalawang ulit. Si Palin ang unang babaeng gobernador ng Alaska, at ang pinakabatang taong nahalal sa ganitong tungkulin.

Noong 29 Agosto 2008, ipinahayag ng kandidatong si John McCain ng Partidong Republikano na pinili nito si Palin bilang kasamang kandidato. Si Palin ang tatakbo para sa tungkulin ng pagkapangalawang pangulo ni McCain. Opisyal na iniharap si Palin sa Pambansang Kumbensiyon o Pagpupulong ng Partidong Republikano noong 2008. Siya ang unang babaeng tumakbo para sa pagkapangalawang pangulo mula sa Partidong Republikano at ang unang nominadong Alaskano (taga-Alaska) para sa ganitong tungkulin anuman ang pangunahing partidong pinagmulan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Estados UnidosPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.