Satiro
Ang satiro ay isang uri ng demonyo na may katawan ng kambing na lalaki.[1] Sa mitolohiyang Griyego (Sinaunang Griyego: Σάτυροι, Satyroi) kabilang ito sa isang tropa o pangkat ng mga kasamang kalalakihan nina Pan at Dionisus na gumagala-gala sa mga kakahuyan at mga kabundukan. Isang imbensiyon ng guni-guni ng mga makata ang pagkakaroon ng mga babaeng satiro o mga satira o mga satiresa. Sa mitolohiya, karaniwang may kaugnayan sila sa udyok ng laman o ng pakikipagtalik at karaniwang nilalarawan sa mga plorera bilang may walang-hanggan o walang katapusang mga ereksyon o paninigas at pagtayo ng titi. Nabanggit ang satiro sa Aklat ng Lebitiko sa Lebitiko 17:7.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Satiro". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 174.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.