Scanner


Ang mga scanner[1] (bigkas: /is·ká·ner/) ay mga panlabas at pandugtong na kasangkapang ikinakabit sa kompyuter na ginagamit para kopyahin ang isang orihinal na dokumento o larawan. Isa itong aparatong pangkopya. Tinatawag na flatbed scanner o desktop scanner ang mga iskaner na malaki ngunit lapad, payat at patag na naipapatong sa isang mesang pang-opisina o pambahay. Karaniwang angkop lamang ang haba nito para matanggap sa kaniyang higaan ang ordinaryong sukat ng papel na panulat katulad ng coupon bond o typewriting paper. Ito ang pinakapangkaraniwang uri ng iskaner.
Kabilang pa sa ibang klase ng iskaner ang business card scanner, high-resolution scanner, at handheld scanner. Maliliit lamang ang mga business card scanner ngunit mainam na pang-kopya ng mga personal na impormasyon na ipapadala sa isang elektronikong talaan. Malimit na gamitin ng mga litratista at disenyador ang high-resolution scanner para sa kanilang mga larawan at sining. Mainam gamitin ito sa pagkopya ng mga slide (padulas na larawang pang-presentasyon) at mga negatibo ng mga litrato. Nakalilito namang gamitin ang mga nahahawakan at portableng handheld scanner na nadadala kahit saang pook.[1]
Mga kompanya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang ang mga sumusunod sa mga kompanyang nakapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga scanner:[1]
- BuyerZone.com
- Canon U.S.A.
- Ideal Scanners & Systems
- NBC Internet Consumer Reviews
- Scansoft
- ZDNet
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- BuyerZone.com
- Canon U.S.A. Naka-arkibo 2005-10-13 sa Wayback Machine.
- Ideal Scanners & Systems
- NBC Internet Consumer Reviews[patay na link]
- Scansoft Naka-arkibo 2001-02-07 sa Wayback Machine.
- ZDNet
