Pumunta sa nilalaman

Scott Joplin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Scott Joplin.

Si Scott Joplin (sa pagitan ng Hunyo 1867 at Enero 1868 – Abril 1, 1917) ay isang Aprikanong Amerikanong manunugtog at kompositor ng musikang ragtime, isang estilo ng jazz. Nananatili siya bilang isang higit na kinikilalang katauhan sa larangan ng ragtime at itinuturing bilang isa sa tatlong pinakamahahalagang manunulat ng tugtuging kilala bilang klasikong ragtime o klasikong rag[1] kasama nina James Scott at Joseph Lamb, at isang ding pauna sa Pianong Stride. Makalipas ang mga dekada pagtapos ng kanyang kamatayan, muling sumikat ang kanyang musika at binigyang ng kaukulang paggalang noong mga 1970, natatangi na ang kanyang pinakabantog na komposisyong "The Entertainer" (Ang Tagapag-aliw), na naging pangunahing temang musika para sa pelikulang The Sting (o Ang Pandaraya) noong 1973 na kinabibidahan ni Paul Newman at Robert Redford.

  1. "Ragtime". infoplease.com.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.