Pumunta sa nilalaman

Pananahi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Seams-mistress)
Larawan ng isang modistang hindi gumagamit ng makinang panahi.
Dalawang modista na abala sa kanilang gawain.
Isang sastre sa Hongkong na sinusukatan ang isang magpapatahi.

Ang pananahi[1] ay isang gawain o hanap-buhay kung saan pinagdurugtong ng isang dalubhasang mananahi ang mga tela o katad upang makabuo ng isang damit, sapatos, o anumang bagay na maisusuot o may iba pang paggagamitan. Tinatawag na modista ang babaeng mananahi na karaniwang sumusunod sa modang pangkasuotan ng panahon. Malimit na damit pambabae lamang ang tinatahi ng mga modista, katulad ng mga damit na pang-kasal. Samantala, sastre naman ang tawag sa lalaking mananahi na kalimitang gumagawa ng mga damit na panlalaki tulad ng polo, salawal, Barong Tagalog, at pantalon. Marunong ding magsulsi ang mga mananahi. Patahian ang tawag sa gawaang pag-aari o pinapasukan ng mga mananahi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Tahi, pananahi, mananahi, sastre, modista, sulsi". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.