Selos

Ang panibugho, pagseselos, o selos (Ingles: jealousy, maaari ring possessiveness)[1], ay ang pagsususpetsa o pagiging palabintangin, mapaghinala, o mapagsapantaha sa pagkakaroon ng mga karibal, kaagawan, o kalaban para sa pag-ibig, pagmamahal, o pagkagusto ng ibang tao.[2] Maaari rin itong pagkadarama ng mapagtanim ng sama ng loob na may pagkainggit dahil sa pananagumpay ng ibang tao, kaya't – sa ganitong diwa – nagiging katumbas din ang paninibugho ng inggit o pangingimbulo; at nagiging katumbas din ng pagkamakasarili.[2] Tinatawag na seloso (kung lalaki), selosa (kapag babae), o panibughuin ang isang taong mapagselos o nagseselos.[1]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ 1.0 1.1 De Guzman, Maria Odulio (1968). "Jealousy, jealous". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760., pahina 124.
- ↑ 2.0 2.1 "Jealousy, possessive". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 67.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Damdamin ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.