Pumunta sa nilalaman

Senakulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Senakulo (Ingles: Passion Play) ay isang dula patungkol sa Buhay, Pagpapasakit,Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo Isa ito sa mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong Cristiano, partikular na sa mga Katoliko.

Panimula ng Senakulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagbuo ng isang Senakulo ay katulad din sa Dula ng Pasko ng Pagkabuhay. Nag-umpisa ito bilang isang ritwal ng Simbahan, na siyang nagtatakda na ang Ebanghelyo ng Biyernes Santo ay dapat awitin sa iba't ibang bahagi na paghahatian ng ilang mga tao. Kinalaunan, nagkaroon ng sariling anyo ang Senakulo. Ang unang Senakulo ay isinadula sa wikang Latin, matapos noon ay nagkaroon ng bersyon sa wikang bernakulo. Dinagdagan ito ng iba't ibang mga anyo at laman ng higit sa inaasahan ng mga manonood, hanggang sa ika-15 siglo kung kailan nabuo naman ang mga sikat na dulang panrelihiyon. Kaya doon, ang Senakulo ng Benedictbeurn ng ika-13 siglo ay naglalaman karamihan ng mga diyalogong Latin at ng awit pangsimbahan, at ito'y binuo para awitin.

Ang pagdagdag ng musika at tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kahit ang pinakalumang mga Senakulo ay humihiwalay na sa ritwal at tradisyon at nakikiayon na rin sa anyong dramatiko. Ang mga ebolusyong ito ay ipinakita sa pamamagitan ng malayang pagsasalin ng mga awit pangsimbahan at ng mga talatang Aleman na walang kinalaman sa mga nasabing awit, at sa paglitaw ni Maria (ang Birheng Maria, ina ni Jesus) at Maria Magdalena sa mga dula. Mula sa payak na pasimula ay mabilis na nagbago ang Senakulo, mula sa ika-14 siglo nasa estado ito ng pagbuo kung saan maaaring hindi ito marating maliban sa paulit-ulit na pag-eensayo. Mula panahong ito nagkaroon ng Vienna Passion, ang St. Gall Passion, ang pinakalumang Frankfort Passion, at ang Maestrict Passion. Ang lahat ng mga dulang ito ay isinulat ng pa-tula, kalimitang sa wikang Aleman.

Patuloy na Paglaganap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinapakita ng Vienna Passion ang buong kasaysayan ng Katubusan. Nagsisimula ito sa rebelyon at pagbagsak ni Lucifer, at nagtatapos ito sa Huling Hapunan ni Jesus at ng Labindalawang Mga Apostol.

Sa pinakalumang dulang Frankfort Passion naman ni Canon Baldemar von Peterwell (1350-1381), kinakailangan ng dalawang araw para sa produksiyon. Ito ay dahil mas detalyado ang nasabing dula kumpara sa ibang mga Senakulo ng panahong iyon. Tanging ang Ordo sive Registrum lamang ang nakarating sa kasalukuyang panahon: ito ang mahabang pergamino na ginagamit ng direktor, kung san nakasulat ang mga direksiyon sa entablado at ang mga unang salita ng diyalogo. Ang dulang ito na binase sa talaan ng mga direksiyon ay nakarating sa panahon kung saan ang mga Senakulo ay umabot sa pinakamataas na antas ng pagbabago (1400-1515). Sa panahong ito nabuo ang mas bagong dulang Frankfort Passion, ang Alsfelder at ang Friedberger (1514). Marami pang mga uri ng Senakulo ang nabuo kung saan ito ay magarbong isinadula.

Tradisyon sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang katawagang Senakulo ay hango sa salitang Cenaculum o Mas Mataas na Silid (Upper Room) na siyang naging lugar ng Huling Hapunan. Kalimitang ang mga kompanya at ang mga grupo sa komunidad ang nagtatanghal sa mga Senakulo tuwing Mahal na Araw. Kalimitan ginagamit nila ang mga dulang dekada o maging daangtaon na ang tanda, na hinango sa Biblia at sa tradisyon, at isinulat sa anyong poetiko. Kalimitan ay ginagamit nila ang kasuotan na ay hango sa tradisyong Europeo, ngunit may mga gumagamit ng mga kasuotang naayon talaga sa kasaysayan. Isa sa mga pinakatanyag at pinakamatandang senakulo sa Pilipinas ay ang Krus Sa Nayon Inc. na nag simula pa noong 1904 sa Barrio Dayap sa Cainta,Rizal , at mahigit na sa 100 na taon ang kanilang pag papalabas ng Senakulo. Ang isa sa mga pinakatanyag na Senakulo ay Ang Pagtaltal Sa Balaan Bukid sa Jordan, Gumiaras na nagsimula noong 1975 at dinarayo ng 150,000 manonood taun-taon. May mga tao na nagpapako sa krus na walang kinalaman sa mga dulang Senakulo bilang bahagi ng kanilang panata tulad ng nasa Barangay San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga. Ang senakulo sa bayan ng Cainta ay isang tradisyon na nagsimula pa noong 1904 kaya ang Krus Sa Nayon Inc. ang isa sa pinaka magandang representasyon ng buhay, pagpapasakit,pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo.

May mga ilang grupo ng simbahan tulad ng Pentecostal Missionary Church of Christ na nagtatanghal ng Senakulo taun-taon.