Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch)
Ang Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) o PMCC (4th Watch) (salin sa Tagalog: Iglesia ni Cristo na Pentekostal at Misyonero sa Ikaapat na Pagpupuyat) ay isang simbahang Cristiano na nakabase sa Pilipinas. Itinatag ito noong 1972 ni Apostol Arsenio T. Ferriol.
Sa ngayon ay mayroon nang lokal ng iglesia hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa mahigit na 60 bansa.
Mayroong silang lathalain na The Word Magazine (salin sa Tagalog: Ang Salita [ng Dios]) at nagsasahimpapawid din ng programa sa telebisyon at radyo, ang Oras ng Katotohanan. Mayroon din silang sariling estasyon ng radyo, ang DZAT 1512 KHz na nakabase sa Lucena, Quezon at ang [LIFE RADIO] 1179 KHz na nakabase sa [Santiago City, Isabela] . At kada isang taon may mga ginugunita sila na pangkalahatan gawain tulad ng International Missionary Day na ginuginita kada buwan ng Enero,International Convention kada buwan ng Oktubre at, Summer Camp tuwing buwan ng Abril
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ito sa sinasabing pagtawag ng Diyos kay Arsenio T. Ferriol bilang apostol sa wakas ng panahon. Sa ikatlong araw ng kanyang pagdarasal at pag-aayuno, sinimulan niyang gampanan ang pagka-apostol, sa kanyang tungkulin bilang Goodman of the House (ayon sa Mateo 24:43), upang ihatid ang Ebanghelyo ni Hesukristo at ang pahayag ukol sa mga panahon, partikular ang Ikalawang Pagparito ni Kristo.
Taóng 1973, opisyal na inirehistro ang Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) sa Komisyon sa mga Panagot at Palitan ng Pilipinas. Taóng 1989, naitatag sa Hong Kong ang kauna-unahang lokal na iglesya sa labas ng bansa. Sa ika-50 taon nito, ang PMCC ay may higit sanlibong lokal na iglesya sa anim na kontinente ng daigdig.
Nagbunga ang pangangaral ni Ferriol ng lalong paglawak ng iglesya at, taóng 1975, sa pagkakatatag ng ngayon ay Maranatha Bible School International, paaralan para sa mga nagnanais na maging ministro ng PMCC.
Taóng 1980, nagsimula ang ministeryo ng edukasyon sa pamamagitan ng Maranatha Preschool. Kalaunan, lumawak ito bilang Maranatha Christian School, Maranatha Christian Academy, at mataas na instiusyong National Christian Life College.
Idnaos taóng 2009 ang ika-20 Pandaigdigang Kumbensyon sa Apostle Arsenio Tan Ferriol Sports Complex na kauna-unahang pribadong panglahatang-layuning pasilidad ng iglesya.
Ipinangangaral ng mga kaanib ang Ebanghelyo sa publiko (ayon sa Marcos 16:15-16). Mula huling bahagi ng dekada 2010, inilunsad ang programang personal na ebanghelismo na nagpapadali sa paglahok sa gayong mga pagsusumikap.
Mga paniniwala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kaanib sa PMCC ay naniniwala sa mga sumusunod:
- Sa iisang Diyos Ama, sa iisang Panginoong Hesukristo, at sa Banal na Espiritu.
- Na ang tunay na iglesyang Kristiyano ay naitatag sa araw ng Pentekostes at ang mga kaloob ng Banal na Espiritu, tulad ng nabanggit sa Kasulatan, ay nananatili hanggang ngayon, kabilang ang katungkulan ng pagka-apostol.
- Na ang tunay na iglesyang Kristiyano ay naitatag sa layuning ipangaral ang Ebanghelyo ng kaligtasan, pagbabautismo sa pamamagitan ng paglulubog, at pagtuturo tungkol sa mga utos ni Hesukristo.
- Na ang kaligtasan ng tao, sa pamamagitan ng natapos na gawain ni Hesukristo na ipinakita ng kanyang pagdurusa, kamatayan, at muling pagkabuhay, ay natatamo sa pamamagitan ng biyaya.
- Na ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos, na katotohanan; at ang huling awtoridad sa pananampalataya at moral para sa lahat ng tao.
- Sa muling pagbabalik ni Kristo sa kasalukuyang panahong tinatawag na ika-apat na pagpupuyat.
Mga Websayt
[baguhin | baguhin ang wikitext]- PMCC 4th Watch, Pangunahing Website Naka-arkibo 2013-05-23 sa Wayback Machine.
- PMCC 4th Watch, Estados Unidos Naka-arkibo 2013-10-17 sa Wayback Machine.
- PMCC 4th Watch, Distrito ng Europa Naka-arkibo 2021-04-18 sa Wayback Machine.
- PMCC 4th Watch, Maynila Naka-arkibo 2013-01-29 sa Wayback Machine.
- PMCC 4th Watch, Distrito ng Canada Naka-arkibo 2013-06-17 sa Wayback Machine.
- PMCC 4th Watch, Distrito ng Timog Silangang Asya Naka-arkibo 2016-10-06 sa Wayback Machine.
- PMCC 4th Watch, Gitnang Silangan Naka-arkibo 2013-04-13 sa Wayback Machine.
- PMCC 4th Watch, Distrito ng Pasipiko Naka-arkibo 2013-08-14 sa Wayback Machine.
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito. |