Pumunta sa nilalaman

Pilipisan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sentido)
Ang sintido, na makikita sa tagiliran ng ulo ng tao, sa may gawing-likuran ng mga mata.

Ang pilipisan[1], palipisan[1], o sintido[1] (Ingles: Temple[1]) ay ang tagiliran ng ulo, na nasa gawing-likuran ng mga mata.[2] Ang butong pangsintido ang pinakabutong nakapailalim sa panlabas na anyo ng sintido.

Pinagpangkat-pangkat ng mga Cladista ang mga pangkatihang bertebrado batay sa pagkakaroon ng isang pang-itaas na butas, pang-ibabang butas, o pagkakaroon ng kapwa butas, o kawalan ng mga butas na ito sa loob ng takip ng buto ng pangibabaw na balat (Ingles: dermal bone), na dating tumatakip sa masel na pangsintido (muskulong pangsintindo o lamang pangsintido). Tinatawag yaong mga walang butas bilang mga anapsida. Nanggaling ang masel na pangsintido mula sa sintido, at nakapasok dito ang panga. May lobo ang utak na kilala bilang lobong pangsentido.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Gaboy, Luciano L. Temple - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, 1583 mga dahon, ISBN 971910550X

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.