Sentrong pangkalusugan
Ang isang samahang pangkalusugan (tinatawag din bilang isang samahang kaangkupan, sentrong pangkalusugan, spa pangkalusugan, at karaniwang tinutukoy bilang isang gym) ay isang lugar na naglalaman ng mga kagamitang pang-ehersisyo para sa layuning pisikal na ehersisyo.
Sa mga nagdaang taon, tumaas ang bilang ng mga serbisyong pangkalusugan at kaangkupan, na pinalalawak ang interes sa mga tao. Reperensya ang mga samahang pangkalusugan at sentrong kaangkupan ng serbisyong pangkalusugan, na tumataas ang pagsunod sa pisikal na aktibidad.[1]
Mga pasilidad at serbisyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahng lugar ng pag-eehersisyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karamihang may pangunahing lugar sa pag-eehersisyo ang mga samahang pangkalusugan, na pangunahing kinabibilangan ng pabigat kabilang ang mga dambel at barbel at mga lalagyan at upuan na ginagamit ng mga kagamitang iyon, at mga makinang pang-ehersisyo, na gumagamit ng mga kambyo, kable, at mga ibang mekanismo upang maging gabay sa pag-ehersisyo. Kadalasan may mga salamin ang lugar na ito upang makita ng mga nag-eehersisyo ang tamang tindig tuwing nag-eehersisyo sila. Tinatawag minsan na black-iron gym (gym na bakal na itim) ang isang gym na mayroon lamang (o halos lahat) na mga pabigat (dambel at barbel), salungat sa mga makinang pang-ehersisyo. Pinangalan itong black-iron gym dahil sa tradisyunal na kulay ng mga plato ng pabigat.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang maagang himnasyo sa Paris noong 1847.[3] Marahil na nagbukas ang unang samahang pangkalusugan sa pangkalahatang publiko sa Santa Monica, California noong 1947 at binuksan ito ni Vic Tanny.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ León-Quismondo, Jairo; García-Unanue, Jorge; Burillo, Pablo (2020-04-21). "Service Perceptions in Fitness Centers: IPA Approach by Gender and Age". International Journal of Environmental Research and Public Health (sa wikang Ingles). 17 (8): 2844. doi:10.3390/ijerph17082844. ISSN 1660-4601. PMC 7215535. PMID 32326141.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ New York Magazine, Abr 24, 1989, p. 117 (sa Ingles)
- ↑ Buck, Josh (1999-12-01). "The Evolution of Health Clubs". Club Industry (sa wikang Ingles). ClubIndustry. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-10-11. Nakuha noong 2010-12-27.
Hippolyte Triat, a former vaudevillian strongman, opened a gymnasium in Paris in 1847, apparently responding to this rising interest in exercise. The Gymnase Triat is significant because it was among the first clubs to charge for membership; the gym had different rates for men, women and children [...]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Roberts, Scott (1999). The business of personal training (sa wikang Ingles). Bol. 1995. Human Kinetics. p. 8. ISBN 978-0-87322-605-9. Nakuha noong 2010-12-27.
The earliest health clubs designed for the general public were probably the ones started back in 1947 when Vic Tanny opened an exercise facility in a Second Street loft in Santa Monica, California.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)