Serenata (koro)
Ang SERENATA ay isang korong binubuo ng mga Pilipinong bata sa Jeddah, Saudi Arabia. Ginanap ang una nitong konsyerto sa Auditorium ng Ospital ng Saudi-German, na matatagpuan rin sa Jeddah, Saudi Arabia.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang SERENATA noong Agosto, 2005. Ito ay kinilala ng Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah noong Setyembre noong taong din iyon. Si Desil Manapat ang naging chairperson habang si Sylvia de los Santos, kilalang nagtuturo ng piano sa lugar na iyon at ang naging responsable sa Philippine Children's Choir noong panahon ng sentenaryo ng kalayaan sa Jeddah, ang naging musikal direktor.[1]
Unang Season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkaroon ng audisyon noong Agosto 12 at 19, 2005. Pumili sila ng 45 bata mula sa iba't ibang mga paaralan sa Jeddah upang sanayin kumanta at sumayaw para sa iba't ibang mga presentasyon. Nagtapos ang unang season nang ganapin ang konsyerto noong Marso 3, 2006.
Konsyerto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Reneegrace Villarosa-Divina ang choreographer ng konsyerto. Nakalikom ang konsyerto ng 100, 000 piso para sa mga biktima ng pagguho ng lupa sa Leyte noong 2006. Naging sponsor nito ang KAB Holding ng Jeddah.
Ikalawang Season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginanap ang audisyon ng ikalawang season sa Pandaigdigang Paaralan ng Sunrise noong Hulyo 13 at 21, 2006. Ilan sa mga naging kasapi ng unang season ay napili muling sumali sa ikalawang season. Nagkaroon din ng mga bagong opisyal na pinamunuan ni Joey Samonte, bilang chairperson matapos umalis ni Manapat noong Marso.[2] Ang ikalawang konsyerto ay naganap sa ballroom ng Al Waha Hotel sa Jeddah noong Marso 16, 2007.
References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Arab News (2005-08-11). "Audition for Children's Choir in Jeddah Begins Tomorrow".
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Arab News (2006-07-13). "Audition for Jeddah's Serenata Season 2 Begins".
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong)