Pumunta sa nilalaman

Diaghilev

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sergei Pavlovich Diaghilev)
Diaghilev
Kapanganakan
Sergei Pavlovich Diaghilev

31 Marso 1872(1872-03-31)
Kamatayan19 Agosto 1929(1929-08-19) (edad 57)
LibinganIsola di San Michele, malapit sa Venice
NasyonalidadRuso
TrabahoManunuri ng sining, patron ng sining at impresario ng ballet
Kilala saTagapagtatag ng Ballets Russes
Kamag-anakAnna Filosofova (tiya)
Dmitry Filosofov (pinsan)

Si Sergei Pavlovich Diaghilev ( /diˈæɡɪlɛf/; Ruso: Серге́й Па́влович Дя́гилев, Sergei Pavlovich Dyagilev, Pagbigkas sa Ruso: sʲɪˈrɡʲej ˈpavləvʲɪtɕ ˈdʲæɡʲɪlʲɪf; 31 Marso [Lumang Estilo 19 Marso] 1872 – 19 Agosto 1929), na karaniwang tinutukoy sa labas ng Rusya bilang Serge, ay isang Rusong manunuri ng sining (kritiko ng sining), patron ng sining, impresario ng ballet at tagapagtatag ng Ballets Russes (na ang buong pangalan ay Les Ballets Russes de Serge Diaghilev), kung saan nagmula ang maraming mga bantog na mga mananayaw at mga koreograpo, at itinuturing bilang isa sa pinakamahusay na kompanya ng ballet sa lahat ng kapanahunan.

Sa loob ng dalawampung taon, sa pagitan ng 1909 at ng 1929, ang kompanya ng ballet ni Diaghilev ang pinakamahusay na kompanya ng ballet sa buong mundo. Marami sa mga ideya ng kompanyang ito ang nakaimpluwensiya sa sining at musika, pati na sa sayaw. Nakuha ni Diaghilev ang ilan sa pinakamahuhusay na mga pintor ng sining sa mundo upang magdisenyo ng mga tagpuan para sa kaniyang mga produksiyong pangsayaw, at ilan sa pinakamahuhusay na mga kompositor na kasama si Igor Stravinsky upang lumikha ng musika para sa mga ballet.

Kabilang sa mga naging mananayaw ni Diaghilev si Nijinsky at ang primang Imperyal na ballerinang si Karsavina; gayon din sina Pavlova, Danilova at Spessivtseva. Kabilang sa kaniyang mga naging koregorapo sina Fokine, Nijinska, Massine at Balanchine; kabilang sa kaniyang mga naging kompositor sina Stravinsky, Rimsky-Korsakov, Prokofiev, Ravel at Debussy; kabilang sa kaniyang mga tagapagdisenyo ng set o tagpuan sina Picasso, Cezanne, Matisse, Utrillo, Bakst at Braque; naghanapbuhay para sa kaniya si Cocteau bilang isang artista at nagsulat ng mga eksena. Ang mga ballet na nalikha at ang mga pagtatanghal ay nakapagpabago sa kurso o kalakaran ng kasaysayan ng ballet.

Ang kagalingan o kahusayan ni Diaghilev ay nakahimlay sa pag-alam na pumili ng talento, at ang pagdadala ng mahuhusay na mga artista upang magtrabaho nang sama-sama at nagtutulungan. Nahikayat din niya ang mga patron o pintakasi (mga tagapagtaguyod) na suportahan ang Ballets Russes. Mataas ang mga halaga o gugulin (gastos) ng produksiyon, at hindi palaging nasasakop ng mga presyo ng tiket. Lumaki at lumawak ang repertoryo (tala) ng bagong mga ballet at bagong musika, at hindi palaging matagumpay ang mga produksiyon. Kaagad na nagsara ang kompanya ni Diaghilev pagkaraan ng kaniyang kamatayan, bagaman marami sa mga pangkat ang nagtrabahong magkakasama sa bagong mga kompanya.[1]

Si Diaghilev ay isang homoseksuwal.[2] Namatay siya dahil sa diabetes.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Buckle, Richard 1979. Diaghilev. Weidenfeld & Nicolson, London.
  2. First lord of the dance