Sevastopol
Sevastopol | |||
---|---|---|---|
| |||
Ortograpikong projection ng Sevastopol (lunti) | |||
Mapa ng Tangway Crimea na pinapakita ang Sevastopol | |||
Mga koordinado: 44°36′18″N 33°31′21″E / 44.605°N 33.5225°E | |||
Country | Disputed: | ||
Status within Russia | Federal city in the Crimean Federal District | ||
Status within Ukraine | City with special status | ||
Founded | 1783 (241 years ago) | ||
Pamahalaan | |||
• Acting Governor | Sergei Menyailo[1] | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 864 km2 (334 milya kuwadrado) | ||
Taas | 100 m (300 tal) | ||
Populasyon (2007) | |||
• Kabuuan | 379,200 | ||
• Kapal | 438.89/km2 (1,136.7/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Sevastopolitan, Sevastopolian | ||
Sona ng oras | UTC+04:00 (MSC) | ||
Kodigo ng koreo | 299000—299699 | ||
Kodigo ng lugar | +380-692 | ||
Licence plate | CH | ||
Decorations | |||
Websayt | sev.gov.ua/en/ |
Ang Sevastopol /se·vás·to·pól/ (Ukrainian, Ruso: Севасто́поль; Crimean Tatar: Aqyar) ay isang lungsod sa may Dagat Itim, na matatagpuan sa timong-kanlurang rehiyong ng Tangway ng Crimea.
Kasalukuyang pinagtatalunan ng Rusya at Ukraine ang lungsod. Tinuturing ng Rusya at mga lokal na kinauukulan ng Sevastopol na isa itong pederal na lungsod ng Pederasyong Ruso at bahagi ng Crimean Federal District, habang ang karamihan naman ng mga bansa ay tinuturing pa rin itong bahagi ng Ukraine.[2] Pinalitan na ng militar ng Russia ang militar ng Ukraine sa rehiyon, at Russia na rin ang nangangasiwa sa nasasakupan ng Sevastopol. Tinuturing naman ng Ukraine ang kabuuan ng Crimea kasama ang Sevastopol bilang "teritoryong pansamantalang sakop ng Pederasyong Ruso."[3]
May 342,451 populasyon ang Sevastopol na karamihan ay matatagpuan malapit sa Look ng Sevastopol at iba pang kalapit na lugar. Ang lokasyon at kalayágan ng mga daungan nito ay naging daan upang maging mahalagang baseng pandagat ang Sevastopol sa talá ng kasaysayan. Dito nakabase ang Black Sea Fleet ng Rusya.
Bagama't may kaliitan ang lawak nitóng 864 km2, ang natatanging katangiang pandagat nito ang nagbibigay sa Sevastopol ng maunlad at masiglang ekonomiya. Katamtamang lamig lang ang nararanasan sa lungsod tuwing tag-lamig at katamtamang init naman tuwing tag-init, kayâ sikát itong bakasyunan at destinasyon ng mga turista mula sa mga dating republikang Sobyet. Mahalagang sentro ng biyolohiyang pandagat ang lungsod, lalung-lalo na sa pag-aaral at pagtuturo ng mga lumba-lumba rito mula nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Putin to appoint ex-Black Sea Feet deputy commander Menyailo as Sevastopol's acting governor, KyivPost (14 April 2014)
- ↑ Gutterman, Steve. "Putin signs Crimea treaty, will not seize other Ukraine regions". Reuters.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-09-24. Nakuha noong 2014-03-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ukraine declares Crimea 'temporarily occupied territory'". Xinhua. 15 Abril 2014. Nakuha noong 17 Mayo 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)