Pumunta sa nilalaman

Pagbago ng kasarian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sex change)

Ang pagbabago ng kasarian o sex change ay isang kataga na madalas na ginagamit para sa gender reassignment therapy. Ang lahat ay medikal na pamamaraan ng transgender na maaaring magkaroon ang isang tao. Ang sexual reassignment surgery ay karaniwang tumutukoy sa pagtitistis ng pag-aari ng lalaki o babae. Ito rin ay minsang ginagamit sa mga medikal na pamamaraan ng mga taong intersexual, o, mas madalas, ay sabjected bilang mga bata.

Ang sex change rin ay ginagamit sa buong proseso ng pagpapalit ng kasarian, sa papel na ginagampanan at ang mga medikal na pamamaraan na kaugnay nito. Ang pagpapalit ng kasarian (tulad ng buhay na gaya ng babae sa halip ng pamumuhay bilang isang lalake, o buhay na gaya ng isang lalake sa halip ng pamumuhay bilang isang babae), ay mas mahalaga sa halos lahat ng transgendered kaysa sa anumang medikal na pamamaraan. Ang pagsasagawa nito ay hindi tumpak. (Siyempre, ang mga sapilitang pagbabagong medikal at mga operasyon ay madalas kailangan sa pagbabago ng kasarian at papel na ginagampanan ng isang tao, kapwa sa panlipunan at pang-legal. Ganunpaman, maaaring magkaroon ng makabuluhang epekto ang sex change o pagbabago ng kasarian sa mga taong gusto at mayroon nito.)

Pagbabago ng kasarian sa hayop

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga espesyal na pangyayari sa ilang mga uri ng hayop, tulad ng clownfish, ang kilala sa pagbabago ng kasarian kabilang ang mga tungkuling pan-reproduktibo. Ang isang grupo ng clownfish ay madalas na binubuo ng hierarkiya na kung saan may isang babaeng isda sa itaas. Kapag siya ay namatay, ang pinaka- nangingibabaw na lalaking isda ang magbabago ng kasarian at pumapalit sa kanyang papel na ginagampanan. Tingnan ang salitang hermaphrodite para sa karagdagang mga detalye.

Pagbabago ng kasarian sa tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming tao rin ang naniniwala na ang pagbabago ng kasarian ay mali. Ang kasarian ng tao ay karaniwang natutukoy sa apat na kadahilanan:

  • Chromosomes
  • Gonads (ovaries at / o testicles)
  • Katayuan o status ng hormone
  • Pangunahing katangian ng kasarian, minsan ay sa pangalawang katangian ng kasarian

Hindi lahat ng mga kadahilanang ito ay maaaring palitan o baguhin, gayunpaman:

  • Ang chromosomes ay hindi mababago.
  • Ang gonads ay maaaring alisin ngunit hindi maaring palitan.
  • Ang hormone status ay madaling baguhin.
  • Ang pangalawang katangian ng kasarian ay maaaring baguhin.

Halos lahat ay sa pamamagitan ng operasyon. Ang iba ay maaaring manggaling sa pagkakaroon ng bagong hormones. Halimbawa: Ang pagpapalit ng isang male genital anatomy sa isang babae, kahit kumplikado ay lubos na posible. Samantala, ang pagbabago ng isang female genital anatomy sa isang lalake ay lubhang kumplikado at madalas hindi matagumpay. Ang mga galaw ng pagkalalake ay limitado.

Ang gender reassignment ay karaniwang pinapangunahan ng feminisasiyon o masculinisasiyon. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng artipisyal o natural na hormones (tulad ng estrogens, androgens, progesterones at anti-androgens). Karaniwan, dalawang taon ang gugugulin bago ang gender reassignment ayon sa WPATH standards of care. Ang pagbabago ng mga hormones sa katawan ay nagsisimula pagkatapos ng counseling o pagsasabuhay ng napiling kasarian ng tatlong buwan o higit pa.

Natural na pagbabago sa kasarian ng tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga medikal na kondisyon ang maaaring magresulta sa natural na pagbabago ng kasarian ng tao, na kung saan ang itsura noong kapanganakan ay medyo, o ganap ng isa ang uri ng kasarian. Ngunit, maaring mabago ito sa paglipas ng panahon, maaring konti o ganap ang pagbabago nito sa ibang kasarian. Ang mga ganitong pagbabago ay mula sa babaeng itsura noong kapanganakan hanggang sa maging lalake na ang anyo pagkatapos ng puberty stage. Ito ay dahil sa alinmang kakulangan sa 5-alpha-reductase (5alpha-RD-2) o 17-beta-hydroxysteroid dehydrogenase (17beta-HSD-3). Ang mga pagbabago ng kasarian ng lalake sa pagiging babae ay iniulat, at ang etiologies ng mga ito ay hindi rin naiintindihang mabuti.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ^ "Explorer's Guide: Anemone Clownfish" (Article). Shedd Aquarium. http://sea.sheddaquarium.org/sea/fact_sheets.asp?id=72 Naka-arkibo 2011-07-24 sa Wayback Machine.. Retrieved 2011-01-04.
  2. ^ "Nemo Meets Neuroscience" (Article). Beckman Institute. http://www.beckman.illinois.edu/synergy/Rhodesfishstory. Retrieved 2011-03-21.
  3. ^ Pfäfflin F, Junge A (2003). Sex reassignment thirty years of international follow-up studies after sex reassignment surgery: a comprehensive review, 1961–1991. International journal of transgenderism. Symposion: Düsseldorf. OCLC 244295488.
  4. ^ Cohen-Kettenis PT (August 2005). "Gender change in 46,XY persons with 5α-reductase-2 deficiency and 17β-hydroxysteroid dehydrogenase-3 deficiency". Arch Sex Behav 34 (4): 399–410. doi:10.1007/s10508-005-4339-4. PMID 16010463.
  5. ^ Bertelloni S, Maggio MC, Federico G, Baroncelli G, Hiort O (September 2006). "17β-hydroxysteroid dehydrogenase-3 deficiency: a rare endocrine cause of male-to-female sex reversal". Gynecol. Endocrinol. 22 (9): 488–94. doi:10.1080/09513590600921358. PMID 17071532. http://informahealthcare.com/doi/abs/10.1080/09513590600921358.
  6. ^ Salt D, Brain Z (June 2007). "Intersex: Case studies". Cosmos (15). http://www.cosmosmagazine.com/node/1462 Naka-arkibo 2009-02-14 sa Wayback Machine..
  7. ^ Khan U (2008-07-02). "Father of five naturally turning into a woman". Daily Telegraph UK. http://www.telegraph.co.uk/news/newstopics/howaboutthat/2233453/Father-of-five-naturally-turning-into-a-woman.html.