Pumunta sa nilalaman

Shaft

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Shaft, Inc.
UriIstudyong pang-animasyon
IndustriyaAnimasyong Hapones
ItinatagSetyembre 1, 1975
Punong-tanggapan1-29-15 Kami-Igusa, Suginami, Tokyo, Hapon
Pangunahing tauhan
Mitsutoshi Kubota
WebsiteOpisyal na sayt ng Shaft

Ang Shaft, Inc. (有限会社シャフト, Yūgengaisha Shafuto) ay isang istudyong Hapones na itinatag noong Setyembre 1, 1975 ni Hiroshi Wakao. Kilala ito sa kanilang nakakatanging gamit ng mga gag o pampatawa, pag-uugnay at sinematograpiyang avant garde lalo na sa mga anime na Pani Poni Dash!, Maria Holic,[1] Sayonara, Zetsubō Sensei,[2] Hidamari Sketch, Puella Magi Madoka Magica, at seryeng Bakemonogatari.

Itinatag ang Shaft noong Setyembre 1, 1975 ni Hiroshi Wakao, dating animador ng Mushi Production. Ang kompanya ay unang itinatag bilang tagapintor ng animasyon pero nagsilbi rin bilang tagalikha ng animasyon bilang sub-kontraktor.[3] Nakalikha sila ng kanilang unang orihinal na serye, ang Yume kara, Samenai (夢から、さめない, Yume kara, Samenai) noong 1987.

Noong 2000, pagkatapos nakipagtulong ang Shaft sa Gainax upang ilikha ang isang espesyal na DVD ng remastered na Gunbuster, ang dalawa ay napunta sa isang magkasamang paglikha ng Mahoromatic, This Ugly and Beautiful World, at He is My Master. Pagkatapos ng pagretiro ni Hiroshi Wakao noong 2004, si Kubota Mitsutoshi ay nanilbihang pangatawang direktor. Ang kanilang pangkat tagapinta ay ipinaliit upang palakasin ang pangkat digital. Simula noong gumawa ang Shaft kasama ng Gainax, nagsagawa ang Shaft ng anime mula sa mga kilalang manga at nobela hanggang 2011 kung saan ipinalabas nila ang kanilang unang orihinal na seryeng anime sa isang dekada, ang Puella Magi Madoka Magica. Ang Shaft ay nakilala sa "pagtagilid ng ulo" ng kanilang mga tauhan sa anime. Sa ilan ng kanilang likha, tatagiligid ang ulo ng mga tauhan upang tumingin sa iba, lumingon, o sa walang kadahilanan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Maria Holic Manga Confirme to Get TV Anime". AnimeNewsNetwork (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 1, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Sayonara Zetsubou Sensei Manga to Bundle 2 Anime DVDs". AnimeNewsNetwork (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 1, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Crunchyroll (Hunyo 27, 2017). "Shaft - Anime Academy". YouTube (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 3, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)