Pumunta sa nilalaman

Shiismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Shi'ite)
Ang mga bansang may mayoridad ng sektang Islam na Shia ang Iran, Iraq, Azerbaijan, at Bahrain. Ang lahat ng mga ito ay nasa kulay pula.
Distribusyon ng mga sangay ng Islam na Sunni at Shia.

Ang Shiismo (Islam na Shia Arabe: شيعةShī‘ah, Shi'a, o Shi'ite) ang pangalawang-pinakamalaking sekta ng Islam na bumubuo sa pagitan ng 10 hanggang 20% ng populasyon ng mga Muslim sa buong mundo o may populasyong mga 130 hanggang 190 milyon.[1] Ang Shia Islam ay matatagpuan sa karamihan ng populasyon sa Azerbaijan, Bahrain, Iran, at Iraq, Lebanon at Yemen.

Ang sektang Shia ay nahahati din sa iba't ibang mga sekta gaya ng teolohikong paniniwala, mga skwela ng batas, mga pilosopikong paniniwala, at mga kilusang espiritwal. Ang sektang Shia ay lumitaw pagkatapos ng kamatayan ni 'Umar Ibnil-Khattab (ang pangalawang kalipa) at ang unang gobyerno at lipunang Shia ay itinatag sa wakas ng ikasiyam na siglo. Bukod sa paniniwala sa Qur'an at mga katuruan ni Muhammad, ang mga Shia muslim ay naniniwala na ang kanyang pamilya, ang Ahl al-Bayt, pati ang kanyang mga inapo na kilala bilang mga imam ay may espesyal na espirituwal at pampolitikang kapangyarihan sa komunidad. Sila ay naniniwala rin na si Ali ibn Abi Talib, pinsan ni Muhmmad at manugang na lalaki, ang una sa mga imam na ito at ang karapatdapat na kahalili ni Muhammad. Bukod dito hindi nila tinatanggap ang pagkalehitimo ng mga naunang tatlong kalipa ng Rashidun. Ang Shia Islam ay nahahati pa sa mga grupong Imami (اثنا عشرية), Ismaili (الإسماعيليون), Zaidiyyah (الزيدية), Alawi (علوية‎) at Alevi (علوي). Ang Imami ay naniniwala sa mga hinirang na labindalawang imam at sa mahdi o tagapagligtas na sa kanilang paniniwala ay ang ikalabindalawang imam na naglaho at muling magbabalik. Ang Zaidi ay tumatanggap sa unang apat na imam na pinaniniwalaan ng Imami ngunit naniniwalang ang ikalimang imam ay si Zayd ibn Ali. Ang Ismaili ay tumatanggap sa unang limang imam na pinaniniwalaan ng Imami ngunit tumututol sa ikaanim na imam. Para sa mga Ismaili, si Ja'far's na pinakamatandang anak ni Ismail ang ikaanim na imam samantalang ang Imami ay naniniwalang ito ang nakababatang anak na si Musa al-Kazim. Ang Imami ay nahati pa sa mga sektang usulismo, akhabrismo at shaykismo. Ang Ismaili ay nahahati din sa mga sektang Nizari, Mustaali, Dawoodi Bohra, Sulaimani Bohra, Alahvi Bohra, Hebtiahs Borah, Atbai-i-Malak, at Druze.

Mga paniniwala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paghalili ni Ali

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga Muslim na Shia ay naniniwalang kung paanong ang isang propeta ay hinirang lamang ng diyos, ang tanging diyos ang may prerogatibo na humirang ng kahalili ng kanyang propeta. Ang mga Shia ay naniniwalang si Ali ang kahalili ni Muhammad na isang infallibe(hindi nagkakamali) na unang kalipa(puno ng estado) ng Islam. Naniniwala silang bago ang kanyang kamatayan, itinakda ni Mahoma si Ali bilang kahalili nito. Si Ali ang unang pinsan ni Muhammad at pinakamalapit na lalakeng kamag-anak gayundin ang hinaharap na manugang sa anak na babae ni Muhammad na si Fatimah.[2][3] Si Ali ay kalaunang naging ikaapat na kalipang Muslim.[4]

Pagkatapos ng Pilgrimaheng Pagpapaalam ni Muhammad, iniiutos ni Muhammad ang pagtitipon ng mga Muslim sa lawa ng Khumm at dito ang lugar na pinaniniwalaan ng mga Shia na inihalalal ni Muhammad si Ali na maging kahalili. Ang hadith ng lawa ng Khumm ay isinalaysay noong ika-18 nang Dhu al-Hijjah ng 10 AH sa Kalendaryong Islamiko(Marso 10, 632 AD) sa isang lugar na tinatawag na Ghadir Khumm malapit sa siyudad ng al-Juhfah, Saudi Arabia.[5]

Ayon sa paniniwalang Shia, isinaad ni Muhammad na:

O mga tao! Pagnilay-nilayan ang Quran at unawain ang mga talata nito. Tingnan ang mga maliwanag na talata at huwag ninyong sundin ang mga malabong bahagi, dahil para kay Allah, walang makakapagpaliwanag sa inyo ng mga babala at misteryo nito, o kahit sinuman ay makapagpapaliwanag ng interpretasyon nito, maliban sa isa na aking hinawakan ang kamay, aking mismong itinaas, [at itinaas ang kanyang braso], ang isa na aking ipinaalam sa inyo kung sinuman ako ang kanyang panginoon(Mawla), ang Ali na ito ang kanyang panginoon, at siya ay si Ali Ibn Abi Talib, ang aking kapatid na lalake, ang tagapagpatupad ng aking kalooban(Wasiyyi), na ang pagkakahirang bilang inyong gabay at pinuno ay ipinadala pababa mula kay Allah, ang makapangyarihan at dakila.

— Muhammad, Ang Sermon na Pagpapalaam[6]

Ang mga Muslim na Shia ay naniniwala na ito ang pagkakahirang ni Muhammad kay Ali bilang kahalili nito samantalang ang mga Muslim na Sunni ay naniniwalang ito ay isang pagtatanggol sa harap ng hindi makatwirang pagbatikos.[2]

Kalipata ni Ali

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang mamatay si Mahoma noong 632 CE, si Ali at ang mga pinakamalapit na kamag-anak ni Muhammad ay nagsaayos ng punerarya nito. Habang kanilang inihahanda ang kanyang katawan, sina Abu Bakr, Umar, at Abu Ubaidah ibn al Jarrah ay nakipagkita sa mga pinuno ng Medina at inihalal si Abu Bakr bilang kalipa. Si Ali at ang kanyang pamilya ay nabalisa ngunit tinanggap ang pagkakahalal na ito alang alang sa pagkakaisa ng sinaunang pamayanang Muslim.[2] Hanggang sa pagpatay lamang ng ikatlong kalipa na si Uthman noong 656 CE na inimbitahan ng mga Muslim sa Medina si Ali na maging ikaapat na kalipa ,[2] at kanyang itinatag ang kanyang kabisera sa Kufa sa kasalukuyang Iraq.[7]

Ang pamumuno ni Ali sa sinaunang pamayanang Muslim ay kadalasang pinagtatalunan at ang mga digmaan ay inilunsad laban sa kanya. Bilang resulta, kailangan niyang makibaka upang panatilihin ang kanyang kapangyarihan laban sa mga pangkat na kumalas matapos magbigay ng katapatan sa kanya o sa mga nagnanais na kunin ang kanyang posisyon. Ang alitang ito ay kalaunang tumungo sa Unang Fitna na isang unang pangunahing digmaang sibil sa loob ng kalipatang Islamiko. Ang Fitna ay nagsimula bilang sunod sunod na mga paghihimagsik laban sa unang Imam na si Ali ibn Abi Talib na sanhi ng kanyang predecessor na pampolitika na si Uthman ibn Affan. Bagaman ang mga rebeled na nag-akusa kay Uthman ng nepotismo ay nagpatibay ng khilafa(pagiging kalipa) ni Ali, ang mga ito ay kalaunang lumaban sa kanya.[2] Si Ali ay namuno mula 656 CE hanggang 661 CE,[2] nang siya ay paslangin [3] habang nakatirapa sa panalangin(sujud). Ang pangunahing katunggali ni Ali na si Muawiyah ay nag-angkin naman ng kalipata.[8]

Sa pagkamatay ni Ali, ang kanyang kanyang matandang anak na lalakeng si Hasan ang naging pinuno ng mga Muslim ng Kufa at pagkatapos ng sunod sunod na mga labanan sa pagitan ng mga Muslim na Kufa at hukbo ng Muawiyah, si Hasan ay pumayag na isuko ang kalipata sa Muawiyah at magpanatili ng kapayapaan sa mga Muslim. Pagkatapos nito ay nagretiro si Hasan sa Medina kung saan noong 50 AH siya ay namatay sa pamamagitan ng pagkalason.

Imam Ali Mosque sa Najaf, Iraq kung saan inilibing si Ali.

Si Hussein na mas batang anak na lalake ni Ali at kapatid ni Hasan ay sa simula tumutol sa mga tawag ng pamumuno ng mga Muslim laban sa mga Muawiyah at muling angkinin ang kalipata. Noong 680 CE, si Muawiyah ay namatay at ipinasa ang kalipata sa kanyang anak na lalakeng si Yazid. Nakita ito ng paksiyon ni Ali bilang pagtatraydor sa kasunduan ng kapayapaan na umaasang ang kalipata ay magbabalik sa linya ni Ali sa pagkamatay ni Muawiyah. May mabilis na pagtitipon ng suporta sa Kufa para Hussein na bumalik doon at kunin ang posisyon bilang kalipa at imam kaya tinipon ni Hussein ang kanyang pamilya at mga tagasunod at tumungo sa Kufa. Sa kanyang pagtungo sa Kufa, siya ay hinarangan ng hukbo ng mga lalake ni Yazid malapit sa Karbala(modernong Iraq) at si Hussein at tinatayang 72 ng kanyang pamilya ay napatay sa Digmaan ng Karbala. Itinuturing ng Islam na Shia ang anak na lalake ni Ali na si Hussein ibn Ali bilang imam at isang martir. Ibinibilang siya ng Shia bilang ikatlo ng mga imam mula sa Ahl al-Bayt. Kanilang nakikita si Hussein bilang tagapagtanggol ng Islam mula sa pagkalipol sa mga kamay ni Yazid I. Siya ay nakilala sa pagiging huling imam kasunod ni Ali na ang lahat ng mga pang ilalim na sangay ng Shia ay nagkakasundo.[9] Ang Labanan ng Karbala ay kadalasang binabanggit bilang depinitibong pagkakabahagi sa pagitan ng mga sektang Shia at Sunni at hanggang sa kasalukuyang ay inaalala bawat taon ng mga Muslim na Shia sa Araw ng Ashura.

Imamata ng the Ahl al-Bayt

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang karamihan ng mga sinaunang Shia gayundin ng mga Zaydi ay tanging maliit na nagkakaiba mula sa nananaig na Islam na Sunni sa kanilang mga pananaw tungkol sa pamumunong pampolitika, ngunit posibleng sa sektang ito na makikita ang pagpipino ng doktrinang Shia. Ang mga sinaunang Sunni ay tradisyonal na naniniwalang ang pinunong pampolitika ay dapat magmula mula sa tribo ni Muhammad na Quraysh. Pinakakitid ng mga Zaydi ang mga pag-aangking pampolitika ng mga sumusuporta kay Ali na nag-aangking na hindi lamang ang mga inapi ni Ali ang may karapatan na mamuno ng pamayanang Muslim (ummah) ngunit sa mga lalake na direktang nagmula kay Mahoma sa pamamagitan ng unyon ni Ali at Fatimah. Gayunpaman, noong mga paghihimagsik sa Abbasid, ang ibang mga Shia na nakilala bilang mga Imamiyyah (tagasunod ng mga imam), ay sumunod sa eskwelang teolohikal na Ja'far al-Sadiq. Kanilang inaangkin ang isang mas dinakilang papel na relihiyoso para sa mga imam at pinagpilitan na sa anumang panahon, kahit pa sa kapangyarihan o hindie, ang isang lalakeng inapo ni Ali at Fatimah ay ang inihalal ng diyos na imam at ang tanging autoridad sa kanyang panahon sa lahat ng mga bagay ng pananampalataya at batas. Para sa mga Shia na ito , ang pag-ibig sa mga imam at sa kanilang inusig na pinaglalaban ay naging mahalaga gaya ng paniniwala sa pagiging isa ng diyos at misyon ni Mahoma.[10] Kalaunan, ang karamihan ng mga Shia kabilang ang Imami at Ismaili at naging mga Imami. Ang Imami Shia ay naniniwalang ang mga imam ang espiritwal at pampolitika na mga kahalili ni Mahoma.[10] Ang mga imam ay mga indibidwal na hindi lamang namumuno sa pamayanan ng may hustisya ngunit may kakayahan rin na panatilihin at bigyang pakahulugan ang batas ng diyos at mga kahulugang esoteriko nito. Ang mga salita at gawa ni Muhammad at ng mga imam ay isang gabay at model para sundan ng pamayanan. Bilang resulta, ang mga ito ay dapat malaya sa pagkakamali at kasalanan at dapat ay hinirang ng atas ng diyos o nass sa pamamagitan ni Muhammad.[11][12] Ayon sa pananaw na ito, palaging may imam ng panahon na hinalal ng diyos sa lahat ng mga bagay ng pananampalataya at batas sa pamayanang Muslim. Si Ali ang unang iman ng linyang ito, na karapat dapat na kahalili ni Muhammad na sinundan ng mga inapong lalake ni Muhammad sa pamamagitan ng kanyang anak na babaeng si Fatimah.[10] Ang pagkakaiba sa pagitan ng pagsunod sa Ahl al-Bayt (Pamilya at mga inapo ni Mahoma) o sa Kalipang si Abu Bakr ang naghuis sa mga pananaw na Shia at hindi-Shia tungkol sa ilan sa Quran, sa hadith(mga salaysay mula kay Muhammad) at iba pang mga paksa ng Islam. Halimbawa, ang koleksiyon ng hadith na pinapipitaganan ng mga Muslim na Shia ay nakasentro sa mga salaysay ng mga kasapi ng Ahl al-Bayt at mga sumusporta nito samantalang ang mga hadith ng mga tagapagsalaysay na hindi kabilang sa o sumusuporta sa Ahl al-Bayt ay hindi kabilang(halimbawa sa mga Abu Hurairah). Ayon sa Islam na Sunni, si Ali ang ikaapat na kahalili ni Abu Bakr samantalang naniniwala ang Islam na Shia na si Ali ang unang inihalalan ng diyos na imam o kahalili ni Muhammad. Ang mahalagang pangyayari sa kasaysayang Shia ang pagiging martir noong 680 CE sa Digmaan ng Karbala ng anak ni Ali na si Hussein ibn Ali na namuno sa hindi katapatatang kilusan laban sa suwail na kalipa(71 sa mga tagasunod ni Hussein ay napatay rin). Si Hussein ay sumimbol sa pagtutol sa tyraniya. Pinaniniwalaan sa Imami at Ismaili na mga sekta ng Islam na Shia na ang 'aql o karunungan ng diyos ang pinagmulan ng mga kaluluwa ng mga propeta at mga imam at nagbigay sa mga ito ng kaalamang esoteriko na tinatawag na ḥikmah at ang kanilang mga pagdurusa ay mga paraan ng biyaya ng diyos sa kanilang mga deboto.[10][13][14] Bagman ang imam ang hindi tagatanggap ng isang wahy(pahayag ng diyos), siya ay may malapit na relasyon sa diyos na sa pamamagitan nito ay ginagabayan siya at ang imam naman ay gumagabay sa mga tao. Ang imamata o paniniwala sa gabay ng diyos ay isang pundamental na paniniwala sa mga sekta ng Islam na Shia na Imami at Ismaili at ito ay batas sa konsepto na hindi iiwan ng diyos ang sangkatuhan nang walang paglapit sa gabay ng diyos.[15]

Ang pananampalatayang Islam na Shia ay malawak at kinabibilangan ng maraming mga iba't ibang pangkat.<name="Britannica738" /> Ang mga paniniwalang teolohikal ng Islam na Shia at mga pagsasanay relihiyoso gaya ng mga pananaw ay medyo iba sa Islam na Sunni. Bagaman ang lahat ng mga Muslim ay nananalangin, ang mga Shia ay may opsiyon ng palaging pagsasama ng Dhuhr sa Asr at Maghrib sa Isha' dahil may tatlong natatanging mga panahon na binabanggit sa Quran. Ang mga Sunni ay may kagawiang magsama lamang sa ilang mga sirkunstansiya.[16][17] Ang Islam na Shia Islam ay kumakatawan sa isang kumpletong independiyenteng sistema ng interpretasyong relihiyoso at autoridad na pampolitika sa daigdig na Muslim.[18][19] Ang identitad na Shia ay lumitaw noong nabubuhay pa si Muhammad [20] at ang teolohiyang Shia ay pinormula noong ika-2 siglo AH o pagkatapos ng Hijra (ika-8 siglo CE).[21] Ang unang mga pamahalaang Shia at lipunan ay itinatag sa huli nang ika-3 siglo AH/ika-9 siglo CE. Ang ika-4 siglo AH/ika-10 siglo CE ay tinukoy ni Louis Massignon bilang 'siglong Shiite Ismaili sa kasaysasyan ng Islam'.[22]

Ang Islam na Shia ay naniniwala ang estado ni Ali ay sinusuportahan ng maraming hadiz kabilang ang Hadith ng lawa ng Khumm, Hadith ng dalawang mga mabigat na bagay, Hadith ng panulat at papel, Hadith ng babala, at Hadith ng mga Labindalawang Kahalili. Sa partikular, ang Hadith ng Balabal ay kadalasang sinisipi upang ipakita ang mga pakiramdam ni Muhammad tungo kay Ali at sa kanyang pamilya ng parehong mga skolar na Shia at Sunni. Pinapaboran ng Shia ang hadith na itinuturo sa Ahl al-Bayt at malalapit na kaugnay at ang mga ito ay may sariling hiwalay na koleksiyon ng mga hadith.[23][24]

Paghahayag ng pananampalataya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bersiyon ng Islam na Shia ng Shahada na paghahayag Islamiko ng pananampalataya ay iba sa bersiyon ng Islam na Sunni. Ang Sunni Shahada ay nagsasaad na Walang ibang diyos kung ang Diyos, si Muhammad ang sugo ng Diyos, ngunit dito, ang Shia ay nagdagdag na Si Ali ang kanyang(ni Muhamad) wali(tagapag-ingat). Ang pariralang ito ay kumakatawan sa pagbibigay diin ng Shia ng pagmamana ng autoridad sa pamamagitan ng linya ni Muhammad. Ang tatlong mga sugnay ng Shia Shahada ay kaya umuukol sa tawhid (ang pagkakaisa ng diyos), nubuwwah (ang pagiging propeta ni Muhammad), atimamah (imamata, pagiging pinuno ng pananampalataya).

Ang Ismah ang konsepto ng inpalibidad o ang "ipinagkaloob ng diyos na kalayaan mula sa pagkakamali at kasalanan" sa Islam.[25] Ang mga Muslim ay naniniwalang si Muhammad at iba pang mga propeta ng Islam ay nag-aangkin ng ismah. Ang mga sektang Imami at Ismaili ng Islam na Shia ay nagtuturo rin ng kalidad sa mga imam gayundin kay Fatimah na anak na babae ni Muhammad salugnat sa sektang Zaidi na hindi nagtuturo ng ismah sa mga imam. Ayon sa mga teologong Shia, ang inpalibidad ay itinuturing na makatwirang kinakailangang prekondisyon para sa espiritwal at relihiyosong paggabay. Kanilang ikinakatwiran na dahil iniutos ng diyos ang absolutong pagsunod mula sa mga pigurang ito, kanilang dapat lamang iutos kung ano ang tama. Ang estado ng inpalibilidad ay batay sa interpretasyong Shia ng ang talata ng puripikasyon.[26][27] Kaya, ang mga ito ang pinakapuro, ang mga tanging imakulada o malinis na iningatan at hindi mahahawaan ng lahat ng karumihan.[28] Ito ay hindi nangangahulugang ang sobre natural na mga kapangyarihan ay pipigil sa kanila sa paggawa ng kasalanan ngunit dahil sa katotohanan na sila ay may absolutong paniniwala sa diyos at natatagpuan nila ang kanilang mga sarili sa presensiya ng diyos.[29] Ang mga ito ay mayroon ding kumpletong kaalaman ng kalooban ng diyos. Ang mga ito ay may pag-aankin ng lahat ng kaalaman ng dinala ng mga anghel sa mga propeta at mga sugo. Ang kanilang kaalaman ay sumasakop sa kabuuan ng lahat ng mga panahon. Kaya ang mga ito ay umaakto nang walang pagkakamali sa mga bagay na relihiyoso.[30] Itinuturing ng mga Shia si Ali bilang kahalili ni Muhammad na hindi lamang namumuno sa ummah(pamayanan ng mga Muslim) sa hustisya kundi pati sa pagbibigay kahulugan sa mga pagsasanay na Islamiko at sa mga kahulugang esoteriko nito. Kaya ito ay itinuturing na malaya mula sa kamalian at kasalanan(infallible) at inihalalal ng diyos sa pamamagitan ng atas (nass) na maging unang Imam.[31] Si Ali ay kilala bilang "perpektong tao"(al-insan al-kamil) katulad ni Muhammad ayon sa pananaw na Shia.[32]

Ang Okultasyon sa Islam na Shia ay tumutukoy sa paniniwala na ang mesiyas sa Islam na tinatawag na Mahdi ay isang imam na naglaho at balang araw ay magbabalik kasama ni Hesus at magpupuno ng hustisya sa mundo. Ayon sa sekta ng Shia na Imami, ang pangunahing layunin ng Mahdi ay upang itatag ang estadong Islamiko at upang ilapat ang mga batas Islamiko na inihayag sa Propeta ng Islam.[33] Ang ilang mga sekta ng Shia gaya ng Zaidi at Nizari Ismaili ay hindi naniniwala sa ideya ng Okultasyon. Ang mga pangkat na naniniwala dito ay nagkakaiba sa kung aling linya ng imamata ang balido at kaya ay kung sinong indbidwal ay nasa okultasyon. Ang mga ito ay naniniwalang maraming mga tanda na magpapakita ng panahon ng kanyang pagbabalik. Ang sektang Imami ay naniniwalang ang Imam Mahadi(ang ikalabindalawang imamn) na si Muhammad al-Mahdi ay nasa mundo na at sa kasalukuyan ay nagtatago(o nasa okultasyon, ang minor na okultasyon ay noong 874–941, at ang major na okultasyon ay nagsimula noong 941 at pinaniniwalaang nagpapatuloy hanggang sa panahon na pagpasyahan ni Allah) at muling magbabalik sa wakas ng panahon samantalang ang Islam na Sunni ay naniniwala na ang mahdi ay lilitaw sa isang panahon sa hinaharap.[34]#

Ang pigurang ito ay batay sa Oktubre 2009 na pag-aaral demograpiko ng ulat ng Pew Research Center na Mapping the Global Muslim Population.[35][36]

Mga bansang may higit sa 100,000 Shia[35][36]
Bansa Populasyon ng Shia [35][36] Persentahe ng populasyong Muslim na Shia[35][36] Persentahe ng pandaigdigang populasyon na Shia[35][36] Minimum na bilang/pag-aangkin Maximum na bilang/pag-aangkin
Iran &6600066,000,000 – 70,000,000 90–95 37–40
Iraq &1900019,000,000 – 22,000,000 65–70 11–12
Pakistan 17,000,000 – 26,000,000 10–15 10–15 43,250,000[37] – 57,666,666[38][39]
India &1600016,000,000 – 24,000,000 10–15 &099–14 40,000,000[40] – 50,000,000.[41]
Yemen &080008,000,000 – 10,000,000 35–40 &055
Turkey &070007,000,000 – 11,000,000 10–15 &044–6
Azerbaijan &050005,000,000 – 7,000,000 65–75 &033–4 85% of total population[42]
Indonesia &50005,000,000 – 6,000,000 2.7 &033 <7,000,000
Afghanistan &030003,000,000 – 4,000,000 10–15 &01<2 15–19% of total population[43]
Syria &030003,000,000 – 4,000,000 15–20 &01<2
Nigeria &03999<4,000,000 &04<5 &01<2 5–10 million[44]
Saudi Arabia &020003,000,000 – 4,000,000 15–22 &01<1
Lebanon &010001,000,000 – 1,600,000[45] 30-35[46][47][48] &00<1 Estimated, no official census.[49]
Tanzania &01999<2,000,000 &09<10 &00<1
Oman &00100700,000 – 900,000 &055–10 &00<1 948,750[50]
Kuwait &00500500,000 – 700,000 30–35 &00<1 35–40% of total population[51]
Germany &00400400,000 – 600,000 10–15 &00<1
Bahrain &00400375,000 – 400,000 66–70 &00<1 375,000 (66%[52] of citizen population) 400,000 (70%[53] of citizen population)
Tajikistan &00400400,000 &077 &00<1
United Arab Emirates &00300300,000 – 400,000 10 &00<1
United States &00200200,000 – 400,000 10–15 &00<1
United Kingdom &00100100,000 – 300,000 10–15 &00<1
Bulgaria &00100100,000 10–15 &00<1
Qatar &00100100,000 10 &00<1


  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-24. Nakuha noong 2011-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Merriam-Webster's Encyclopedia of World Religions, Wendy Doniger, Consulting Editor, Merriam-Webster, Incorporated, Springfield, MA 1999, ISBN 0-87779-044-2, LoC: BL31.M47 1999, p. 525
  3. 3.0 3.1 "Esposito, John. "What Everyone Needs to Know about Islam" Oxford University Press, 2002. ISBN 978-0-19-515713-0. p. 46
  4. The New Encyclopædia Britannica, Jacob E. Safra, Chairman of the Board, 15th Edition, Encyclopædia Britannica, Inc., 1998, ISBN 0-85229-663-0, Vol 22, p. 17.
  5. "Event of Ghadir Khumm". Al-islam.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-22. Nakuha noong 2011-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ang Huling Sermon ni Muhhamad ayon sa mga Salaysay na Shia
  7. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Britannica738); $2
  8. The New Encyclopædia Britannica, Jacob E. Safra, Chairman of the Board, 15th Edition, Encyclopædia Britannica, Inc., 1998, ISBN 0-85229-663-0, Vol 10, p. tid738
  9. Discovering Islam: making sense of Muslim history and society (2002) Akbar S. Ahmed
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Britannica); $2
  11. Nasr (1979), p.10
  12. Momen (1985), p. 174
  13. Corbin 1993, pp. 45-51
  14. Nasr (1979), p. 15
  15. Gleave, Robert. "Imamate". Encyclopaedia of Islam and the Muslim world; vol.1. MacMillan. ISBN 0-02-865604-0.
  16. "Learn to do Shia Prayer - Islamic Prayer - Shia Salat". Revertmuslims.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-11. Nakuha noong 2011-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Joining Prayers and Other related Issues". Al-islam.org. Nakuha noong 2011-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Druze and Islam". American Druze.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-14. Nakuha noong 2010-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Ijtihad in Islam". AlQazwini.org. Nakuha noong 2010-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Shi'ite Islam," by Allamah Sayyid Muhammad Husayn Tabataba'i, translated by Sayyid Husayn Nasr, State University of New York Press, 1975, p. 24
  21. Dakake (2008), pp. 1 and 2
  22. In his "Mutanabbi devant le siècle ismaëlien de l'Islam", in Mém. de l'Inst Français de Damas, 1935, p.
  23. "The Complete Idiot's Guide to World Religions," Brandon Toropov, Father Luke Buckles, Alpha; 3rd edition, 2004, ISBN 978-1-59257-222-9, p. 135
  24. "Shi'ite Islam" by Allamah Sayyid Muhammad Husayn Tabataba'i (1979), pp. 41–44
  25. Dabashi, Theology of Discontent, p.463
  26. Qur'an 33:33
  27. Momen (1985), p. 155
  28. Corbin (1993), pp. 48 and 49
  29. Dabashi (2006), p. 463
  30. Corbin (1993), p. 48
  31. "Motahhari, Perfect man, Chapter 1". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-17. Nakuha noong 2012-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. How do Sunnis and Shi'as differ theologically? Last updated 2009-08-19, BBC religions
  33. Nasr, Sayyed Hossein. "Expectation of the Millennium : Shiìsm in History,”, State University of New York Press, 1989, p. 19, ISBN 978-0-88706-843-0
  34. "Comparison of Shias and Sunnis". Religionfacts.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-29. Nakuha noong 2011-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. 35.0 35.1 35.2 35.3 35.4 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang PRC); $2
  36. 36.0 36.1 36.2 36.3 36.4 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang mgmpPRC); $2
  37. "CIA - The World Factbook". Cia.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-17. Nakuha noong 2011-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Violence Against Pakistani Shias Continues Unnoticed | International News". Islamic Insights. Nakuha noong 2011-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Taliban kills Shia school children in Pakistan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-12. Nakuha noong 2012-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Shia women too can initiate divorce". The Times of India. 6 Nobyembre 2006. Nakuha noong 2010-06-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Talaq rights proposed for Shia women". Daily News and Analysis, www.dnaindia.com. 5 Nobyembre 2006. Nakuha noong 2010-06-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang files.preslib.az); $2
  43. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang lcweb2.loc.gov); $2
  44. Nigeria: 'No Settlement With Iran Yet' Naka-arkibo 2012-08-05 sa Wayback Machine., Paul Ohia, allAfrica - This Day, 16 Nobyembre 2010
  45. Hazran, Yusri. The Shiite Community in Lebanon: From Marginalization to Ascendancy, Brandeis University
  46. Hassan, Farzana. Prophecy and the Fundamentalist Quest, page 158
  47. Corstange, Daniel M. Institutions and Ethnic politics in Lebanon and Yemen, page 53
  48. Dagher, Carole H. Bring Down the Walls: Lebanon's Post-War Challenge, page 70
  49. Growth of the world's urban and rural population:n1920-2000, Page 81. United Nations. Dept. of Economic and Social Affairs
  50. Top 15 Countries with Highest Proportion of Shiites in the Population Naka-arkibo 2010-07-07 sa Wayback Machine., 7 Hulyo 1999
  51. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang ArabTimesOnline); $2
  52. "UK FCO". UK FCO. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Oktubre 2009. Nakuha noong 3 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "Why Bahrain blew up". New York Post. 2011-02-17. Nakuha noong 2011-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)