Pumunta sa nilalaman

Shortcut (Software)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Shortcut
UriPribado
IndustriyaPangteknolohiya
ItinatagLungsod ng New York, 2014
Nagtatags
  • Kurt Schrader
  • Andrew Childs
Punong-tanggapan
Lungsod ng New York, New York
,
Estados Unidos
Produkto
  • Shortcut
Dami ng empleyado
80
Websiteshortcut.com

Itinatag ang Shortcut, isang kompyuter software na ginagamit upang mamahala ng proyekto ng mga koponang tagabuo ng software, sa Estados Unidos noong 2014.[1][2][3] Bago mag Setyembre 2021, Clubhouse ang dating ngalan nito.[4]

Itinatag ang Shortcut, na kilala dati bilang Clubhouse, nung 2014, upang makadagdag sa kaliwanagan ng paggamit ng modelong prediktibo sa proseso ng pagbuo ng software.[5] Noong 2016, inilunsad ng kumpanya ang kanyang pangunahing produkto, Clubhouse, matapos ang isang taon paglabas na beta na bersyon nito.

Noong December 2017, naglikom ng $10,000,000 ang Clubhouse sa Seryo A na kaganapang pagpopondo na pinamunuan ng Battery Ventures. Bago pa ito, nakakuha na ang kumpayna ng $14,000,000 galing sa Resolute Ventures, Lerer Hippeau Ventures, BoxGroup, RRE Ventures, at Brooklyn Bridge Ventures.[1]

Naglikom ng $25,000,000 sa Seryo B ng kaganapang pagpopondo na pinamunuan ng Greylock Partners noong Enero 2020. Kasama sa pagpondo ang ilan sa mga nakaraang mamumuhunan tulad ni Battery Ventures at Lerer Hippeau.[6]

Noong ika-29 ng Hulyo, 2021, pinahayang ng kumpanya na Shortcut ang magiging bagong pangalan ng kumpayna at produkto nito, epektibo sa kalagitnaan ng Setyembre.[4] Dahil ito sa pagbabago sa pagpananatili ng dating pagkakakilanlan sa wagas na paglaki ng aplikasyong pangtawag ng Clubhouse. Opisyal ang naging pagpalit sa bagong pangalan noong ika-13 ng Setyembre, 2021.

Walang relasyon ang kumpayna sa kapangalan niyang Clubhouse na isang exklusibong aplikasyong pangtawag para sa teleponong selular na nilansar sa iOS noong Abril 2020.[7] Sanhi ng kalituhan ang pagkapareho ng pangalan ng dalawang aplikasyon sa wakas ng paglansar ng aplikasyong teleponong selular na Clubhouse. Halimbawa, noong Pebrero 2021, pagkatapos ni Elon Musk ipahayag ang kanyang paglitaw sa aplikasyong pang teleponong selular na Clubhouse, nag-iwan ng mga negatibong pagsusuri sa aplikasyong Android ng Shortcut (dating Clubhouse) hangga’t napilitan ang kumpanya na pansamantalang tanggalin ang aplikasyon sa Google Play.[8]

Noong Abril 2022, pinangaralan ang Shortcut bilang isa sa mga pinakamabuting kumpanyang maaging pagtrabahuan sa Estados Unidos.[9] Ayon sa palatanungan, 97% sa mga empleyado nito, 40 na puntos na masmataas sa katampatan, ang sumang-ayon sa pamamahala ng Shortcut sa mga nagtatrabaho dito.

Ginagamit ang Shortcut bilang isang komersiyal na produkto para sa pamamahala ng proyekto at pagsubay ng isyung may kaugnayan sa software. Kasama sa produkto ang pagsubay at pagplano ng User Stories at Sprints sa pagbuo ng software, paglikha ng biswal gamit ng Kanban Board para sa trabahong ginagawa, at pagbalita ng progreso.[10] Walang bayad ang Shortcut basta hindi hihigit sa sampu ang gumagamit nito.[11]

May integrasyon ang Shortcut sa Slack, GitHub, GitLab, Bitbucket, at iba pa. Magagamit siya sa kompyuter at teleponong selular gamit ang aplikasyon nitong iOS at Android.

Sinulat ang Shortcut sa Clojure gamit ang pasadyang JavaScript. Magagalaw rin ang kanyang mga sangkap gamit ang REST API.[12] Nabibilang ang Shortcut API (kilala noon bilang Clubhouse API) sa listahan ng mga pinaka-pinagusapan na API ng ProgrammableWeb noong 2019.[13]

Ginagamit ang Objectives para mas malinaw na maintindihan ng koponan ng software ang mas malawak na layunin ng kumpanya. Natatakda at nakakabit sa magkaugnay na gawain at proyekto ang mga estratehikong layunin. Nakabibigay ito ng nakaiisang pinagmumulan ng katotohanang pang-kumpanya upang mas mapaigi ng mga empleyadong pang-software ang kanilang trabaho bilang bahagi ng iisang koponan o kumpanya.[14]

Noong Hulyo 2022, inilunsad ng Shortcut ang Docs, isang sistema pang dokumensasyon na may natural na integrasyon sa iba pang kompyuter software upang para matulong ang mga koponan sa pag-gawa at pagbahagi ng mahahabang dokumentasyon, tulad ng dokumentong pang-disenyo at estratehiyang pamprodukto.[15]

Ginagamit ang Sprints sa pagtakda ng petsang panimula at pagwakas, at sa pagdala sa koponan ng mga paalala na manatili sa tamang daloy ng proyekto. May detalyeng mga kasangkapan sa pag-uulat ang bawa’t isang Sprint para lubos na mapalinaw ang pag-usad ng mga proyekto ng mga koponang pang-software.[16]

Shortcut Teams

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagamit ang Shortcut Teams para sa pagtala ng proyekto sa iilang piling mga koponan. Masusukat ang pag-usad ng mga proyekto gamit ang mga kasangkapan sa pag-uulat tulad ng tsart.

Nagagamit ang REST API para sa integrasyon ng Shortcut sa iba’t ibang software at aplikasyon. Nagagamit to para makaabot, makalikha, maka-update, at makabura ng data na kaugnay ng mga proyekto sa Shortcut.

Talasanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Crichton, Danny (Disyembre 12, 2017). "Clubhouse nets $10m Series A from Battery Ventures to make software development fun again". TechCrunch. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 12, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Chan, Rosalie (Oktubre 30, 2018). "Four-year-old startup Clubhouse has a bold new plan to take on Atlassian's mega-popular Jira with a new project management tool". Business Insider. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Rubinstein, David (Marso 5, 2019). "Making project management easier… for developers". SD Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Schrader, Kurt (Hulyo 29, 2021). "Clubhouse is changing our name to Shortcut". The Clubhouse Blog. Clubhouse Software. Nakuha noong Agosto 3, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Crook, Joran (Hulyo 21, 2015). "ClubHouse Is Like Salesforce For The Engineering Team". TechCrunch. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 22, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Konrad, Alex. "This New York Startup Just Raised $25 Million To Challenge Atlassian". Forbes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 8, 2020. Nakuha noong Abril 8, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Constine, Josh (Abril 18, 2020). "Clubhouse voice chat leads a wave of spontaneous social apps". TechCrunch. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 8, 2020. Nakuha noong Hulyo 2, 2020. Clubhouse, an audio-based social network [...] Don't confuse it with the similarly named Clubhouse.io.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Li, Abner (Pebrero 2, 2021). "Android users look for Elon Musk/Clubhouse & get wrong app". 9to5Google (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 2, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Working at Shortcut Software Company". Great Place To Work (sa wikang Ingles). Abril 1, 2022. Nakuha noong Setyembre 20, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Clubhouse: Product Features". clubhouse.io. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 29, 2019. Nakuha noong Hulyo 29, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Clubhouse announces new collaboration tool and free version of its project management platform". TechCrunch (sa wikang Ingles). Setyembre 10, 2019. Nakuha noong Hulyo 2, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. @clubhouse (31 July 2015). "@wycats We're Clojure/Datomic for the backend and a custom Javascript framework (built on top of JQuery) for the front-end" (Tweet) – via Twitter.
  13. Culbertson, Joy (Disyembre 26, 2019). "ProgrammableWeb's Most Clicked, Shared and Talked About APIs of 2019: Business and Productivity". ProgrammableWeb (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 28, 2019. Nakuha noong Hulyo 2, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Shortcut Reimagines Issue Tracking, Adding the Ability to Tie Work to Your Company Goals". PRWeb (sa wikang Ingles). Enero 31, 2024. Nakuha noong Oktubre 14, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  15. Warren, Justin (Hulyo 12, 2022). "Shortcut Adds Docs To Engineering Productivity Software". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 14, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  16. Vizard, Mike (Setyembre 22, 2021). "Clubhouse Becomes Shortcut to Transform Software Project Management". DevOps (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 14, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)