Pumunta sa nilalaman

Simbahan ng Mahal na Ina ng Rosaryo (Goa)

Mga koordinado: 15°25′22″N 73°46′17″E / 15.4229°N 73.7713°E / 15.4229; 73.7713
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Simbahan ng Mahal na Ina ng Rosaryo
Igreja de Nossa Senhora do Rosário
Simbahan ng Mahal na Ina ng Rosaryo is located in India
Simbahan ng Mahal na Ina ng Rosaryo
Simbahan ng Mahal na Ina ng Rosaryo
15°25′22″N 73°46′17″E / 15.4229°N 73.7713°E / 15.4229; 73.7713
LokasyonMatandang Goa, Estado ng Goa
Bansa India
DenominasyonSimbahang Katolika
Kasaysayan
NagtatagAfonso de Albuquerque
UriCultural
Itinutukoy1986
Bahagi ngChurches and Convents of Goa

Ang Simbahan ng Mahal na Ina ng Rosaryo ay isang simbahang Katoliko na itinayo sa pagitan ng 1544 at 1547, sa Matandang Goa, Estado ng Goa, India. Ang simbahang ito ay bahagi ng mga tipon na kabilang sa Pandaigdigang Pamanang Pook ng mga simbahan at kumbento ng Goa.[1][2]

Ayon sa Portuges na mananalaysay na si Gaspar Correia, ang Portuges na maharlikang si Afonso de Albuquerque ay nag-utos na magtayo ng isang maliit na kapilya bilang parangal sa Birhen ng Banal na Rosaryo sa lugar kung saan siya nakatayo, nang matanggap niya ang kumpirmasyon na natapos na ng kaniyang mga sundalo ang Portuges na pananakop ng Goa noong 1510. Ang pinunong tagapagtayo na si Antão Nogueira de Brito ay nagdisenyo noon ng isang maliit na kapilya sa lugar, na isang burol na tinatawag na Monte Santo (Banal na Bundok) ng mga Portuges.[3]

Papasok, tanaw mula sa Pangunahing Altar.

Ang Simbahan ng Mahal na Ina ng Rosaryo ay itinuturing na isa sa mga pinakalumang napreserbang gusali sa Matandang Goa. Gayundin, ito ang tanging gusali rito na mayroon pa rin, sa pangunahin, mga Renasimiyentong konstruksiyon at elementong pang-arkitektura. Ang estilong Gotiko at estilong Manuelino ay makikita sa panlabas at sa panloob. Ang Simbahang ito ay isang maagang nagpapatotoo ng Kristiyanisasyon ng Goa. Dahil ito ay matatagpuan malayo sa labas ng sentro ng lungsod, hindi ito sumailalim sa anumang modernisasyon. Ang iba pang mga gusali mula sa parehong yugto ng panahon ay kalaunan ay lubos na tinuntungan ng bagong konstruksiyon at muling hinubog.[4]

Ang patsada ng Simbahan ay may tatlong palapag at isang dalawang palapag na portico na nasa gilid ng mga silindrikong susog at silikdrikong tore. Bawat tore ay may mga cupola na nakokoronahan ng mga krus. Ang matataas na bintana, malapit sa bubong, ay nagbibigay ng impresyon ng isang muog na simbahan na may isang krusipihong plano. Bilang karagdagan, ang mga mano-manong disenyong Indiano ay nakikita sa mga elemento sa patsada. Ang mga malalaking kurdon ay matatagpuan sa cornice pati na rin sa mga indibidwal na tore. Ang tore sa timog ay may paikuting hagdanan na ginagamit upang makarating sa itaas na koro sa ikalawang palapag ng tore-patsada at sa koro alto.[5][6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

 

  1. António Nunes Pereira. "Igreja de Nossa Senhora do Rosário". Património de Influência Portuguesa.
  2. "Igreja de Nossa Senhora do Rosário". Património de Influência Portuguesa (HPIP) (sa wikang Portuges). Fundação Calouste Gulbenkian. 2012-07-26. Nakuha noong 2017-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Igreja de Nossa Senhora do Rosário". Património de Influência Portuguesa (HPIP) (sa wikang Portuges). Fundação Calouste Gulbenkian. 2012-07-26. Nakuha noong 2017-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Igreja de Nossa Senhora do Rosário". Património de Influência Portuguesa (HPIP) (sa wikang Portuges). Fundação Calouste Gulbenkian. 2012-07-26. Nakuha noong 2017-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Igreja de Nossa Senhora do Rosário". Património de Influência Portuguesa (HPIP) (sa wikang Portuges). Fundação Calouste Gulbenkian. 2012-07-26. Nakuha noong 2017-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "A "Reconquista" assistida dos altos; Leitura da linguagem da arquitetura e da arte do Rosário em Goa". Revista Brasil-Europa.