Pumunta sa nilalaman

Simone de Beauvoir

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Simone de Beauvoir
Kapanganakan9 Enero 1908
  • (Paris, Grand Paris, Pransiya)
Kamatayan14 Abril 1986
LibinganSementeryo Montparnasse[1]
MamamayanPransiya[2]
NagtaposUniversité de Paris
Trabahopilosopo politiko, mamamahayag, nobelista, awtobiyograpo, manunulat ng sanaysay, aktibistang politikahin, diyarista, babaeng manunulat ng liham, pilosopo,[3] kritiko literaryo, manunulat,[3] may-akda
Asawanone
KinakasamaJean-Paul Sartre
Pirma

Si Simone-Ernestine-Lucie-Marie Bertrand de Beauvoir o mas kilala bilang si Simone de Beauvoir (9 Enero 1908 – 14 Abril 1986) ay isang pilosopong Pranses at theorist. Marami na siyang naisulat na mga nobela, mga talambuhay at mga monograp sa pilosopiya, politiko at problemang panlipunan. Ngayon, siya ay kilala sa kanyang mga metapisikal na nobela, tulad ng She Came to Stay and The Mandarins, at para sa kanyang akda noong 1949, The Second Sex, isang detalyadong pagsusuri sa mga pang-aapi sa mga kababaihan at ukol din ito sa feminism. Siya ay kilala rin dahil sa pagkakaroon niya ng iba pang relasyon bukod sa kanyang asawa na si Jean-Paul Sartre.

Si Simone de Beauvoir ay ipinanganak sa Paris, panganay na anak ni Georges Bertrand de Baeuvoir, isang legal secretary na minsang nangarap maging isang actor, at ni Françoise Brasseur, anak ng isang mayamang taga-banko at isang Katoliko. Isinilang ang nakababatang kapatid na babae ni Simone dalawang taon matapos siya ipanganak. Nahirapan ang kanilang pamilya na panatilihin ang kanilang mataas na estado matapos mabawasan ang kanilang kayamanan matapos ang Unang Pandaigdigang Digmaan. Dahil dito, napagdesisyunan ni Françoise na ipadala ang kanyang dalawang anak na babae sa isang kumbento. Isang relihiyosong bata si Beauvoir na umabot na sa puntong gusto nya maging isang madre hanggang nagkaroon sya ng agam-agam sa kanyang paniniwala noong siya ay 14 na taong gulang. Wala na siyang pinaniwalaang Diyos sa buong buhay nya. Isang matalinong bata si Beauvoir simula bata dahil sa suportang binbigay sa kanya ng kanyang Tatay: lagi itong nagyayabang kung gaano katalino si Simone. Matapos makapasa sa mga pagsusulit sa matematika at pilosopiya si Simone noong 1925, nag-aral siya ng matematika sa Institut Catholique at ng literatura/lenggwahe sa Institut Sainte-Marie. Nag-aral din siya ng Pilosopiya sa Sorbonne at nagsulat ng papel tungkol kay Leibniz para kay Leon Brunschvicg.Una siyang nagtrabaho kasama sina Maurice Merleau-Ponty at Claude Lévi-Strauss nang matapos ang tatlo sakanilang ensayo sa pagtuturo sa iisang eskwelahan. Kahit hindi siya opisyal na estudyante ng École Normale Supérieure ay dumadalo parin ito sa ibang mga klase upang maghanda sa isang samahan sa pilosopiya, isang postgraduate na pagsusulit na naghahanay sa mga estudyante. Habang nag-aaral para sa samahan, nakilala niya ang mga estudyante ng École Normale na sila Jean-Paul Sartre, Paul Nizan at Rene Maheu (na nagpangalan sa kanya ng “Castor” o “beaver”). Nakatanggap si Sartre ng unang parangal imbis na si Beauvoir na nakatanggap ng ialawang parangal at ang pinakabatang nakapasa sa pagsusulit sa edad na 21.

Panggitnang mga taon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naging magkasinatahan ang matalinong si Sartre at si Beauvoir at noong Oktubre 1929 inalok niya itong magpakasal.

Nagsimula siyang magturo sa Marseilles noong 1931 ngunit lumipat rin sa Lycee Pierre Corneille sa Rouen.

Debate ukol sa ephebophilia

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karamihan sa kanyang mga nakarelasyong babae ay mga kabataan, at ang iba pa rito ay nangyari noong siya ay nagtatrabaho pa bilang isang guro na nagging isang kontrobersiya at debate ukol sa kung si Simone ay may ephebophilia. Ang kanyang dating estudyante na si Bianca Lamblin o dating si Bianca Bienenfeld, na nagsulat ng Mémoires d'une jeune fille rangee na tungkol sa pang-aakit ng kanyang guro na si Simone de Beauvoir noong si Lamblin ay 17 na taong gulang pa lamang. Noong 1943, na-suspende si de Beauvoir dahil sa akusasyon ng pang-aakit niya sa isa sa kanyang mga estudyante na si Nathalie Sorokine noong 1939.

She Came to Stay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naglimbag si Beauvoir ng isang nobela, She Came to Stay, noong 1943. Isa itong istorya na ibinase sa kanyang sekswal na relasyon ni Sartre kay Olga Kosakiewicz at Wanda Kosakiewicz. Si Olga ay isa sa mga estudyante ni Simone sa Rouen secondary school. Sinubukang ligawan ni Sartre si Olga ngunit hindi siya gusto nito kaya naman sinubukan na lamang niya na makipag-relasyon sa kapatid ni Olga na si Wanda. Sa nobela, gumawa si Beauvoir ng isang karakter mula sa napakagulong mga relasyon nila Olga at Wanda. Ibinase din sa magulong relasyon nina Beauvoir at Sartre ang nobela. Ang nobelang ito ay sinundan ng iba pang mga nobela tulad ng The Blood of Others.

Seksuwalidad, peminismong eksitensiyalista at ang The Second Sex

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kabanata ng Le deuxieme sexe (The Second Sex) ay orihinal na inilimbag sa Les Temps modernes noong Hunyo 1949. Sa kabanatang “Woman: Myth and Reality” sa The Second Sex, sinabi ni Beauvoir na ginawa ng mga lalaki na “kaiba” ang mga babae sa lipunan dahil sa misteryo na meron sa mga kababaihan. Sinabi ni Beauvoir na ginagamit daw na dahilan ito ng mga lalaki upang sabihin na mahirap intindihin ang mga babae. Isinulat din nya na ito rin ang naging basehan sa mga kategorya ng relihiyon, klase, at lahi. Ngunit hindi naman talaga ito magandang basehan upang gawing patriarkal ang sistema ng lipunan. The Second Sex, na inilimbag sa saliytang pranses, ay nagpapakita ng feminist existentialism na umaaksiyon bilang isang rebolusyong moral. Bilang isang existentialist, naniniwala siya na existence precedes essence; kung kaya’t ang isang tao ay hindi ipinapanganak na babae ngunit siya ay lumalaki para maging isang babae. Ang kanyang pagsusuri ay nakatutok sa konsepto ng pagtingin sa mga kababaihan bilang “Kaiba” na para kay Beauvoir ay isang patunay ng pang-aapi sa mga babae. Tinukoy ni Beauvoir na dati pa man ay masyado nang minamaliit ang mga babae at itinuturing na hindi kasali sa lipunan. Kahit na ang impluwensiyal na babaeng si Mary Wollstonecraft ay sinabing dapat gawing inspirasyon ng mga babae ang mga lalaki dahil sila ang dapat na tularan. Ang gantong ideya ay ayaw ni Beauvoir dahil gusto niya na ipaglaban ang feminismo.

Panglumaon pang mga taon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1970s, naging aktibo si Beauvoir sa Wonem’s liberation movement sa France. Pumirma siya sa Manifesto of the 343 noong 1971, isang listahan ng mga babae na umaming dumaan na sa abortion na illegal sa Pransiya. Ngunit karamihan sa mga babaeng pumirma ay hindi naman talaga dinaanan ang abortion tulad ni Beauvoir. Naging legal ang abortion sa Pransiya noong 1974.

  1. "Montparnasse Cemetery in Paris: Walking Paths & Famous Graves"; wika ng trabaho o pangalan: Ingles; petsa ng paglalathala: 22 Mayo 2019; hinango: 15 Nobyembre 2024.
  2. http://www.nytimes.com/roomfordebate/2011/05/18/are-french-women-more-tolerant/still-a-long-way-to-go.
  3. 3.0 3.1 https://cs.isabart.org/person/42425; hinango: 1 Abril 2021.