Pumunta sa nilalaman

Singkil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga kababaihang nagsasanay sa pagsayaw ng singkil.

Ang singkil, sayaw sa kasingkil, o sayao sa kasingkil ay isang sikat na sayaw ng mga Maranao. Ang salitang singkil ay nangangahulugang paluputan ang paa ng kahit anong bagay gaya ng baging o kahit anong madadaan.

Ang Singkil ay isang tanyag na sayaw na tinatanghal tuwing may pagdiriwang at mga kapistahan. Itinatanghal ng kadalasang pambabaeng sayaw lamang, ang Singkil ay nagsisilbi bilang isang patalastas sa kanyang magiging manliligaw o sa kanyang mapapangasawa. Marikit na humahakbang paloob at palabas ang babaeng mananayaw sa nagbabanggaang mga kawayan na nakaayos na nakahanay, o nakakrus habang ginagamit ang kanyang apir (pamaypay), mosala (panyo), o kahit ang kanyang kamay lang.


PilipinasKalinangan Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.