Pumunta sa nilalaman

Wilfrid Laurier

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sir Wilfrid Laurier)

Panginoong Wilfrid Laurier

ika-7 Punong Ministro ng Canada
Nasa puwesto
11 Hulyo 1896 – 5 Oktubre 1911
MonarkoVictoria
Edward VII
George V
Nakaraang sinundanCharles Tupper
Sinundan niRobert Borden
Personal na detalye
Isinilang20 Nobyembre 1841(1841-11-20)
Saint-Lin, Quebec
Yumao17 Pebrero 1919(1919-02-17) (edad 77)
Ottawa, Ontario
Partidong pampolitikaPartidong Liberal ng Canada
AsawaZoé Lafontaine
AnakWala
Alma materPamantasang McGill
PropesyonManananggol

Si Sir Wilfrid Laurier[1], GCMG, PC, KC, bininyagang Henri-Charles-Wilfrid Laurier (20 Nobyembre 1841 – 17 Pebrero 1919) ay ang ika-7 Punong Ministro ng Canada mula 11 Hulyo 1896, to 5 Oktubre 1911.

Siya ang kauna-unahang punong-ministrong prangkopono, o ang unang punong-ministrong nagsasalita ng wikang Pranses, ng Canada.[1] Mga nagsasalita ng wikang Ingles ang mga naunang punong-ministro ng Canada.

Karaniwang itinuturing si Laurier bilang isa sa mga magigiting na mga politiko ng bansa.

Ipinanganak si Laurier sa St. Lin, Quebec, sa hilagang Montréal, noong 1841. Namatay siya noong 1919.[1]

Una siyang nahalal sa lehislatura ng Quebec. Noong 1874, nahalal naman siya sa Kanadyanong Kabahayan ng mga Pangkaraniwang-pagaari. Bilang isang kilalang Pranses na kasapi sa Partidong Liberal ng Canada, naging miyembro siya ng gabinete sa pamahalaang Liberal ni Alexander Mackenzie noong 1877, noong kapanahunang hindi tanyag ang pagtangkilik sa liberalismo sa Quebec sapagkat maraming klerikong Katoliko ang naniniwalang laban sa pananampalataya ang mga politikong liberal. Subalit pinatunayan ni Laurier na hindi totoo ang pananaw na ito ng mga kleriko sa pamamagitan ng isang talumpati noong 1877. Dumami ang bilang ng mga tagapagtaguyod ni Laurier hanggang sa mapili siyang pinuno ng partidong Liberal noong 1887.[1]

Natalo ang mga Liberal noong halalan ng 1891 dahil sa paghingi niya ng pagkakaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos, isang ideyang hindi popular noong mga panahong iyon. Subalit muling nagwagi ang mga Liberal noong 1896, kung kailan naging punong-ministro si Laurier, at nagsagawa ng maraming mga patakarang konserbatibo, halimbawa na ang higit na pagtangkilik sa pagkakaroon ng ugnayang-pangkalakan sa Dakilang Britanya sa halip na ituon ang pansin na kumikiling sa Estados Unidos.[1]

Nagsimula ng hukbong-pandagat para sa Canada si Laurier noong 1910. Nang sumapit ang 1911, muling iginiit ni Laurier ang pakikipag-ugnayang pangkalakal sa Estados Unidos. Subalit hindi naging sikat ang mga konseptong ito, dahilan ng kaniyang pagkagapi sa halalan noong 1911. Natalo siya ni Sir Robert Borden. Bilang pinuno ng Oposisyon (ang Partidong Liberal ang naging oposisyon o nasa kabilang panig nang magwagi si Borden), tinangkilik ni Laurier ang mga gawaing pangdigmaan ng Canada noong Unang Digmaang Pandaigdig, isang ideyang naging dahilan pagkakahating pangpapaniwala sa mga kasapi ng partidong Liberal noong 1917.[1]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Sir Wilfrid Laurier". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]