Sirena (mitolohiyang Pilipino)
Sirena | |
---|---|
Pamagat | Sirena |
Paglalarawan | Sirena ng Pilipinas |
Kasarian | Babae |
Rehiyon | Pilipinas |
Ang sirena ay isang mitolohikong nilalang sa dagat na mula sa kalinangang Pilipino. Sa ilang mga rehiyon sa Pilipinas, partikular sa Bikol at Kabisayaan, kilala ang mga sirena bilang magindara at naisasalarawan bilang masamang sirena. Hindi tulad ng mga sirena ng mitolohiyang Griyego, na sinasalarawan bilang mga nilalang babae/ibon, kadalasang sinasalarawan ang mga sirena bilang mga nilalang na namumuhay sa ilalim ng dagat. Sa mitolohiyang Pilipino, ang sirena ay isang mitolohikong nilalang pantubig na may ulo at katawan ng babaeng tao at buntot ng isang isda.[1] Isang engkanto ang sirena – ang Pilipinong katumbas ng mga mermaid sa Ingles.[2] Inuuri ang mga engkanto bilang isa sa mga bantay tubig o tagapagbantay ng mga anyong tubig. Karagadagan sa sirena, ang ibang halimbawa ng bantay tubig ay ang siyokoy, kataw at ugkoy. Sireno ang lalaking bersyon ng sirena. Pinapares minsan ang sirena sa siyokoy. Isa sa mga sikat na kathang-isip na karakter sa Pilipinas na sirena ay si Dyesebel.
Ugali
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaring tuksuhin at akitin ng isang masamang sirena ang isang lalaking tao sa kanyang awiting may gayuma. Sinasabing may mga sirenang nanghahablot ng mga tao at hinipnotismo at pagkatapos nilulunod sila o kinukuha sa ilalim ng tubig. Isang pang pananaw na tinukso ang tao nang habulin ang sirena sa malalim na tubig hanggang ang taong ito ay nalunod o inatake sa puso nang nakita ang engkanto at pinatalsik sa tubig sa kanyang kamatayan.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Waterhouse, John William. "Mermaid" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-28. Nakuha noong 2008-08-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mga Engkanto: A Bestiary of Filipino Fairies (sa wikang Ingles). Philippines: eLf ideas Publication. 2003.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mga Engkanto: A Bestiary of Filipino Fairies (sa wikang Ingles). Philippines: eLf ideas Publication. 2003.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)