Sita

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Sa panitikang Hindu, si Sita ay ang babaeng minamahal ni Rama, ang pangunahing tauhan sa Ramayana. Ayon sa salaysay ng Ramayana, nakasama ni Rama si Sita, pati na rin ang kapatid sa magulang ni Rama na si Laksana, nang napaalis si Rama mula sa kanyang kaharian at napilitang mamuhay sa isang gubat. Habang nasa gubat silang tatlo, tinangay ng dimonyong-haring si Ravana ng Lanka o Sri Lanka si Sita patungo sa kaniyang sariling kaharian. Nagawang maibalik nina Rama at Laksana si Sita sa pamamagitan ng tulong ni Sugriva, ang hari ng mga unggoy, at ng heneral nitong si Hanuman; kaya't nakabalik sina Rama at Sita sa kanilang kaharian ng Oudh.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who is the Hero of the Ramayana?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767. , pahina 73.


PanitikanIndia Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.