Pumunta sa nilalaman

Websayt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sityo sa web)
Ang unang pahina ng Wikipedia.org

Ang websayt, pahinarya, pook-sapot o web sayt (Ingles: website o web site) ay isang koleksiyon ng mga magkakaugnay na web page, na tipikal na matatagpuan sa isang partikular na domain name o subdomain. Ang isang websayt ay bahagi ng World Wide Web na isa sa mga serbisyong gumagamit ng Internet.

Sa kasalukuyan, mayroon ng mahigit sa 80 milyong websayt sa buong mundo na may nakarehistrong domain. Sa pangakalahatan, ang websayt ay isang dokumentong (X)HTML na maaaring matingnan at mabasa sa pamamagitan ng HTTP gamit ang web browser.

Maaaring makita ang isang websayt mula sa root URL na tinatawag na homepage o pangunahing pahina, at karaniwang nakalagay sa kaparehong pisikal na server. Nakaayos ang mga URL sa isang klasipikasyon, bagaman ang mga hyperlink o kawingan sa pagitan nila ang nagku-kontrol kung paano natitingnan ang pangkalahatang istraktura at kung paano dumadaloy ang traffic sa pagitan ng mga iba't ibang bahagi ng isang websayt.

Hinihiling ng ibang websayt ang isang subskripsiyon upang makita ang ilan o lahat ng mga nilalaman. Kabilang sa mga halimbawa nito ang maraming pornograpikong mga sayt, ilang bahagi ng mga maraming balita, mga sayt para sa mga laro, mga online na magasin, internet forums, web mail at mga sayt na nagbibigay impormasyon sa mga datos ng pamilihang sapi na tama-sa-oras.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.