Sobremesa
Ang Sobremesa (Tagalog: sa ibabaw ng mesa) ay isang tradisyong Espanyol ng pagpapahinga sa hapag pagkatapos ng mabigat na pagkain. Nagsisimula ito pagkatapos ihain ang panghimagas, at karaniwang tumatagal ng kalahating oras hanggang isang oras. Sa panahon ng tag-init at mga holiday, mas tumatagal ang pagsosobremesa.
Ang 'sobremesa hour' ay isa sa mga pangunahing primetime ng Espanya. [1] Karaniwang iniiwasan ang anumang pisikal na aktibidad sa panahon ng pagpapahinga na ito, at walang paghuhumpay ang pag-uusap. Depende sa mga gawi ng lugar o bansang pinag-uusapan, ang kape, tsaa, o isang maliit na alak o fire-water spirit (sa isang tagayan o shot glass) ay karaniwang inihahain, o kaya isang tabako ay maaaring pinauusukan. Sa mga bansang gaya ng Espanya, ang panahon ng aktibidad pagkatapos ng hapunan ay maaring tangkilikin kasama ng kape, alak, at tabako. Sa Arhentina naman, ang sobremesa ay maaring maganap pagkatapos ng tanghalian, meryenda o kaya hapunan. [2] Nakadepende ang tagal at oras ng pagsosobremesa sa lugar o kaugalian nakaakma sa bawat tao.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mike Randolph (25 Abril 2018). "A uniquely Spanish part of the meal". BBC Travel.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)