Pumunta sa nilalaman

Teoryang panlipunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sociological theory)

Ang mga teoriya ng pakikipagkapwa, teoriyang sosyal, teoriya ng pakikisalamuha, teoriyang panlipunan, teoriyang pangsosyolohiya o teoriyang sosyolohikal (Ingles: social theory, social theories, sociological theory, sociological theories) ay isang katagang nagsimula sa dalawang mga salita: "sosyal" mula sa Latin na socius at "teoriya" (panukala) mula sa Griyegong theoria (Harrington 2005). Ang mga teoriyang panlipunan ay mga balangkas ng ebidensiyang empirikal na ginagamit upang pag-aralan at unawain o maipaliwanag ang kababalaghang pangpakikipagkapwa o sosyal. Ang mga ito ay ginagamit ng mga siyentipikong sosyal, na may kaugnayan sa mga pagtatalong pangkasaysayan hinggil sa pinaka katanggap-tanggap at pinaka maaasahang mga metodolohiya o kaparaanan (katulad ng positibismo at antipositibismo), pati na ang pangingibabaw ng kayarian o ahensiya. Ilan sa mga teoriyang sosyal ang nagtatangkang manatiling mahigpit na makaagham, mapaglarawan, at obhektibo (malayunin). Bilang paghahambing sa mga teoriyang sosyal, ang mga teoriya ng hidwaan ay naghaharap ng pakunwaring mga posisyong normatibo, at kadalasang pumupuna sa mga aspetong pang-ideyolohiyang likas sa kaisipang kumbensiyunal at nakaugalian.

Bagaman mahirap mabakas ang pinagmulan ng mga teoriyang panlipunan, kadalasang nagbabalik ang mga pagtatalo papunta sa Sinaunang Gresya (Berberoglu 2005, p. xi). Nagmula sa mga pundasyong ito ng pilosopiyang Kanluranin ang teoriya ng kontratang panlipunan ng Kamulatan, positibismong sosyolohikal, at modernong agham na panlipunan. Sa kasalukuyan, ang 'agham na panlipunan' ay ginagamit bilang pansakop na kataga upang tukuyin ang sosyolohiya, ekonomiks, agham pampolitika, hurisprudensiya at iba pang mga disiplina. Ang teoriyang panlipunan ay interdisiplinaryo at humahango ng mga ideya mula sa mga larangang katulad ng antropolohiya at mga pag-aaral ng midya. Ang teoriyang panlipunan na mayroong isang kalikasang impormal, o ang pagka-may-katha ay nakabatay sa labas ng pang-akademiyang agham na panlipunan at pampolitika, ay maaaring tumukuyin bilang "kritisismong panlipunan" o "komentaryong panlipunan". Bilang kahalintulad, ang "kritisismong pangkultura" ay maaaring magkaroon ng kaugnayan sa pormal na mga pag-aaral na pangkultura at kadalubhasaan o karunungang pampanitikan, pati na sa iba pang hindi pang-akademiya o pampamamahayag na mga uri ng pagsusulat.

Lumitaw ang teoriyang panlipunan bilang isang bukod na disiplina sa loob ng ika-20 daantaon, at malakihang nakapantay sa isang kilos ng mapunahin o mapanuring pag-iisip, nakabatay sa pagka may katwiran, lohika at obhektibidad, at sa kagustuhan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga metodong a posteriori ng pagtuklas (sa halip na gumamit ng nakaugaliang mga pamamaraang a priori. Sa pamamagitan nito, masa madaling maiugnay ang teoriyang panlipunan sa mas matatatag na mga talakayan na pampilosopiya upang matiyak ang pananagutan sa bawat isang tao.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Sosyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sosyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.