Sophia Bush

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Sophia Bush ay ipinanganak noong July 8,1982 at siya ay isang aktres sa Amerika. Siya ay kilala sa pagiging si Brooke Davis sa One Tree Hill. Ang una niyang palabas ay pagiging si Sally sa Van Wilder. At pagkatapos noon ay lumabas siya sa Nip/Tuck at sa Sabrina the Teenage Witch. At sa isang episode ng Punk'd dahil niloko siya ng kanyang kaibigan na si Brittany Snow. At habang siya ay nasa One Tree Hill, lumabas rin siya sa mga palabas na Stay Alive, John Tucker Must Die at siya ang naging bida sa The Hitcher bilang si Grace. Sa One Tree Hill niya nakilala si Chad Michael Murray. Naging asawa niya ito sa loob nang limang buwan. At pagkatapos noon ay naghiwalay sila dahil sa rason na "fraud" sa mga papeles. Magkaibigan pa rin sila ni Chad at ang naging fiancee ni Chad na si Kenzie Dalton (naghiwalay na si Chad at si Kenzie.) Ang kanyang karelasyon ngayon ay si Jon Foster na nakasama niya sa palabas na Stay Alive.