Pumunta sa nilalaman

Inkisisyong Kastila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Spanish Inquisition)
Hukuman ng Banal na Opisina ng Ingkisisyon

Tribunal del Santo Oficio de la Inquisición

Ingkisisyong Kastila
Coat of arms or logo
Tatak para sa Hukuman ng Espanya
Uri
Uri
Hukuman sa ilalim ng paghahalal ng Monarkiyang Espanyol, para sa pagpapatibay ng ortodoksiyang relihiyoso sa kanilang reyno
Kasaysayan
Established1 Nobyembre 1478
Binuwag15 Hulyo 1834
Mga puwestoBinubuo ng Dakilang Ingkisidor, na namuno sa Konsilyo ng Kataas-taasan at Pangkalahatang Ingkisisyon, na binuo ng anim na kasapi. Sa ilalim nito ay mayroong hanggang labing-isang husgado ng imperyo.
Halalan
Dakilang Ingkisidor at Supremo na itinalaga ng korona
Lugar ng pagpupulong
Imperyong Espanyol
Footnotes
See also:
Ingkisisyong Medyebal
Ingkisisyong Portuges
Ingkisisyong Mehikano

Ang Hukuman ng Banal na Opisina ng Ingkisisyon (Espanyol: Tribunal del Santo Oficio de la Inquisición, Ingles: Tribunal of the Holy Office of the Inquisition), o mas kilalá bílang Ingkisisyong Kastila (Espanyol: Inquisición española, Ingles: Spanish Inquisition), ay isang pansimbahang hukuman na itinatag noong 1478 ng mga Katolikong monarko na sina Ferdinand II ng Aragon at Isabella I ng Castile. Nilayon nitong panatilihin ang pagsang-ayon sa kaugaliang Katoliko (Catholic orthodoxy) sa kanilang mga kaharian at upang palitán ang Inkisisyong Medyebal, na sumailalim sa kapangyarihan ng Papa. Ito ang naging pinakatunay sa tatlong magkakaibang manipestasyon ng mas malawak na Ingkisisyong Kristiyano kasáma ang Ingkisisyong Romano at Ingkisisyong Portuges. Ang Ingkisisyong Kastila ay maaaring tumukoy sa mga "nasa Espanya at sa lahat ng kolonya at teritoryo nito, kabílang ang Kapuluang Canarias, ang Spanish Netherlands, ang Kaharian ng Napoles, at lahat ng pag-aari ng Espanya sa Hilaga, Gitna, at Timog Amerika." sa loob ng panahon kung saan ang Portugal at Espanya ay nasa iisang pamumuno ng Ingkisisyong Portuges at Ingkisisyon ng Goa. Nasa direktang pamamahala ng mga Kastilang monarkiya ang katawang ito.

Ang Ingkisisyong Kastila ay kalimitan ding nababanggit sa mga popular na panitikan at sa kasaysayan bílang halimbawa ng Catholic intolerance at represyon. Kinekwestiyon din ng mga makabagong historyador ang mga lubhang pinagrabeng salaysay ukol sa tindi ng Ingkisisyon. Sinasabi rin ni Henry Kamen na maaaring ang "alamat" ng makapangyarihan at labis na magpagpahirap na Ingkisisyon ay inimbento lámang ng mga Protestanteng may-akda na may layuning siraan ang Papacy noong ika-19 dantaon.

Ang selyo ng Ingkisisyong Kastila ay binubuo ng isang sanga, krus, at tabak (mula sa kaliwa).

Pagpapahirap (torture)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad ng mga hukumang Europeo ng panahong iyon, gumamit sila ng pagpapahirap (torture).

Bagama't ang Ingkisisyon ay pinagbabawalang permanenteng makapinsala at makapagdanak ng dugo, pinayagan pa rin ang marami pang ibang uri ng pagpapahirap. Ang mga paraang kadalasan nilang ginagamit, na sikát din sa mga iba pang sekular at hukumang eklesyastikal, ay ang garrucha, ang toca at ang potro.[79] Ang garrucha, na kilalá rin bílang strappado, ay paraan ng pagpapahirap kung saan ang biktima ay nakabitin mula sa kisame sa pamamagitan ng mga kamay nitong nakatali sa likod. Minsan, nagdadagdag din ng pabigat at tinatali ito sa mga bukung-bukong, at kasabay ang serye ng paghilang pataas at pababâ, kung saan ang mga kamay at paa ay nagdaranas ng matinding pagkahila at minsan ay nabababalian. Ang toca, na tinatawag ding interrogatorio mejorado del agua (Tagalog: Pinahusay na Interogasyong Tubig), ay paraan ng pagpapahirap kung saan nilalagyan ng tela ang bibig ng biktima at pipilitin itong uminom ng tubig na nagmumula sa isang banga para magkaroon ito ng pakiramdan ng nalulunod. Ang potro, o ang rack, ang instrumento ng paghihirap na pinakamadalas na ginamit.

Pagtatapos ng Ingkisisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong panahon ng paghahari ni Charles IV ng Espanya, sa kabila ng mga tákot na bunsod ng Himagsikang Pranses, may ilang mga pangyayaring naganap na nagpabilis sa paghina ng Ingkisisyon. Ang estado ay tumigil sa pagiging hamak na social organizer at nagsimulang mabahala sa ikabubuti ng publiko. Noong 1834, binuwag ni Isabella II ng Espanya ang Ingkisisyon.