Kalakalan ng pampalasa
Kinasangkutan ang kalakalan ng pampalasa ng mga makasaysayang sibilisasyon sa Asya, Hilagang-Silangang Aprika at Europa. Kilala at ginamit sa sinaunang panahon ang mga espesya kagaya ng kanela, kasiya, kardamomo, luya, paminta, moskada, sangke, klabo, at luyang-dilaw, at ikinalakal ang mga ito sa Mundong Silanganin.[1] Nakarating ang mga espesyang ito sa Malapit na Silangan bago simula ng panahong Kristiyano, na may mga kamangha-manghang kuwento na nagtatago ng kanilang mga tunay na pinagmulan.[1]
Dominado sa aspetong pandagat ng kalakalan ang mga Austronesyo sa Timog-silangang Asya, lalo na ang mga Indones na mandaragat na nagtatag ng mga ruta mula Timog-silangang Asya pa-Sri Lanka at India (at kalaunan pa-Tsina) sa pagsapit ng 1500 BC.[2] Ibiniyahe ang mga kalakal sa lupa patungo sa Mediteraneo at mundong Greko-Romano sa pamamagitan ng ruta ng insenso at rutang Romano–Indiyano ng mga Indiyano at Persiyanong mangangalakal.[3] Nadagdagan ang maritimong daanang pangkalakalan ng mga Austronesyo sa Gitnang Silangang at silangang Aprika sa pagsapit ng ika-1 milenyo AD, na nagbunga sa Austronesyong kolonisasyon ng Madagaskar.
Sa loob ng mga partikular na rehiyon, pinayunir ng Kaharian ng Aksum (ika-5 siglo BC–AD ika-11 siglo) ang ruta ng Dagat Pula bago ang ika-1 siglo AD. Noong unang milenyo AD, naging maritimong kapangyarihan sa pangangalakal sa Dagat Pula ang mga Etiyope. Sa panahong ito, mayroon nang mga ruta ng kalakalan mula Sri Lanka (ang Romanong Taprobane) at India, na nakakuha ng teknolohiyang maritimo mula sa pakikipag-ugnayan sa mga Austronesyo. Pagsapit ng ika-7 siglo AD, pagkatapos ang pagbangon ng Islam, nagsimulang maglayag ang mga Arabeng mangangalakal sa mga rutang ito at nangibabaw sa mga maritimong ruta sa kanlurang Karagatang Indiyo.[kailangan ng sanggunian]
Mga pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakipagkalakalan ang mga tao mula sa panahong Neolitiko ng mga pampalasa, obsidiyano, kabibe, mamahaling bato at iba pang mahahalagang bagay noon pa mang mga ika-10 milenyong BK. Mga Ehipsyo ang unang nakapagbanggit sa kalakalan sa makasaysayang panahon. Sa ika-3 milenyong BK, nakipagkalakalan sila sa Lupain ng Punt, na pinaniniwalaang matatagpuan sa isang lugar na sumasaklaw sa hilagang Somalya, Hibuti, Eritrea at baybayin ng Sudan sa may Dagat Pula.[4][5]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Spice Trade" [Kalakal ng Espesya] (sa wikang Ingles). Encyclopædia Britannica. 2016. Nakuha noong Abril 25, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dick-Read, Robert (Hulyo 2006). "Indonesia and Africa: questioning the origins of some of Africa's most famous icons" [Indonesia at Aprika: pagkukuwestiyon ng pinagmulan ng ilan sa mga pinakasikat na ikono ng Aprika]. The Journal for Transdisciplinary Research in Southern Africa (sa wikang Ingles). 2 (1): 23–45. doi:10.4102/td.v2i1.307.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fage 1975: 164
- ↑ Simson Najovits, Egypt, trunk of the tree, Volume 2, (Algora Publishing: 2004), pa. 258.
- ↑ Rawlinson, Hugh George (2001). Intercourse Between India and the Western World: From the Earliest Times of the Fall of Rome [Ugnayan ng Indiya at Kanluraning Mundo: Mula sa Pinakamaagang Panahon ng Pagbagsak ng Roma] (sa wikang Ingles). Asian Educational Services. ISBN 978-8120615496.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)