Pumunta sa nilalaman

Talungko (ehersisyo)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Squatting)

Sa pagsasanay na pagpapalakas, ang talungko, pagtalungko, o iskwat (Ingles: squat, hunker, katulad ng sa pariralang "on one's hunkers"; naiiba ito sa pamamahingang nakatalungko, paglupagi, pagtingkayad, paglupasay; huwag ding ikalito sa gawain na pamamalagi sa lupang pag-aari ng ibang tao, katulad ng ginagawa ng mga "iskwater") ay isang ehersisyong langkapan at pambuong katawan na pangunahing nagsasanay ng mga kalamnan ng mga hita, mga balakang, at kalamnang pampuwitan, mga kalamnang kwadrisep (vastus lateralus medialis at intermedius), litid sa alak-alakan, pati na ang pagpapatibay o pagpapalakas ng mga buto, mga ligamento at mga paglalakip ng mga tendon sa kabuuan ng pang-ibabang katawan. Ang mga uri ng pagtalungko ay itinuturing na isang mahalagang ehersisyo para sa pagpapataas ng lakas o kapangyarihan at sukat ng binti o biyas at puwitan, pati na ang pagpapaunlad ng tibay ng kaibuturan. Sa pang-isometriya, ang pang-ibabang likod, ang pang-itaas na likod, ang mga pangtiyang kalamnan, ang mga kalamnan ng punungkatawan, ang mga kalamnang pangtadyang, at ang mga balikat at mga bisig ay mahalagang lahat sa ehersisyong ito, kaya't nasasanay kapag tumatalungko na may angkop na kaanyuan sa pagsasagawa.[1] Ang pagtalungko ay isang uri ng tagisan ng lakas sa larangan ng palakasan sa pagbubuhat ng mga pabigat. Maaari ring tumalungko na hindi gumagamit ng barbel, sa halip ay itinataas lamang ang mga bisig.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Rippetoe, Mark (2007). Starting Strength: Basic Barbell Training, p.8. The Aasgaard Company. pp. 320. ISBN 0976805421.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

PalakasanEhersisyo Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan at Ehersisyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.